028

79 8 4
                                    

3 YEARS AGO [FLASHBACK]

___

MICHAEL

Hindi kami nagkasundo sa isang bagay ni Augustine kaya heto narito ako ngayon sa may bar. Umiinom ng alak.

Yung tipong pagod ka na nga sa trabaho pag-uwi mo sa bahay, sakit ng ulo pa ang bubungad sa'yo dahil pinagdududahan ka na naman ng fiancee mo.

Hindi ko naman siya masisisi, tuwing nasa opisina ako ni Daddy ay naroon palagi si Kezia at palaging nakapulupot sa akin.

Hindi alam nina Mom and Dad na may girlfriend ako. Kahit ng pamilya ni Augustine ay hindi nila alam ang tungkol sa amin.

Ayaw naman kasi ni Augustine ipaalam.
Kaya't nirespeto ko na lang ang desisyon niya. Ipapaalam naman namin sa magulang  namin, sadyang huwag muna ngayon dahil masyado pang kumplikado ang sitwasyon.

Masyado kasi siyang private person at lowkey lang.

Ngayon na naman ako ulit uminom.
Naiinis talaga ako dahil nag-away na naman kami dahil kay Kezia.

Natatakot ako na baka ipaglihi niya na kay Kezia iyong bata sa sinapupunan niya.

Wala naman akong ginagawang masama.
Sadyang ito lang talagang si Kezia ang lapit ng lapit at walang tigil ang kakahabol sa akin.

"Limang bote pa nga nito." Sabi ko sa bar tender.

Wala akong pakialam kung malasing ako ng subra ngayong araw.

Bahala na.

Gusto ko lang mahimasmasan.

Nakailan na akong baso ng beer ay hindi pa rin ang lasing.

Tumigil ako sa pag-inom ng alak at nakipagkwentohan na lang sa lalaking nasa gilid ko na abala rin sa pag-inom.

"Pre hindi ko rin talaga minsan maintindihan ang mga babae." Sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong niya sa akin at nilingon ako.

Hindi ko kilala itong kausap ko pero gusto ko ngayon kausap kaya heto.

"Kasi naman iyong asawa kong buntis, pinag-iinitan na naman ako. Kapag sinusuyo, galit na galit. Kapag pinabayaan mo, galit na galit pa rin. Kapag nilambing mo, galit sa'yo. Kapag hinayaan mo, galit pa rin. Anggulo na, walang papuntahan."

"Ganiyan talaga kapag buntis pre. Maselan ang mga buntis. Pabago-bago ang mood."

"Eh paano ba yan? Iyong asawa ko hindi nagbabago ang mood. Palaging galit sa akin. Pero alam mo iyong tipo na kahit palagi siyang galit sa'kin. Ang cute niya pa rin magalit. Kahit na pinagbabato niya ako minsan ng plato, kutsara o kung ano-ano. Mahal ko pa rin iyon."

"Pareho pala tayo pre. Kahit ako nga tinitiis ko na lang ang mga sermon ni Misis. Ganiyan talaga, pagpasensyahan na lang. Mahal na mahal mo e."

"Ikaw ba? Nag-away rin ba kayo ng Misis mo?" Baling ko sa kausap ko.

"Oo e. Nag-away kami dahil sa pera. Maluho kasi iyong asawa ko. Lahat dapat ng gusto palaging nasusunod."

After The Rain [COMPLETED]Where stories live. Discover now