008

146 26 12
                                    

MICHAEL

"Ah oo, wait lang Betty. Eh? Okay sige sige. Salamat. Oo, bye boi. Labyu mwamwa!" Rinig kong sabi ni Augustine habang may kausap sa cellphone.

"Sinong tumawag sa'yo?" Usisa ko.

"Ampakemo?" Ani niya.

"What?"

"Nothing."

"Augustine!" Inis na sabi ko, heto na naman siya mukhang nang-aasar na naman.

"Augustine!" Pangagaya niya na siyang ikinairita ko lalo.

"Sinong kausap mo sa telepono?"

"Sinong kausap mo sa telepono?" Pangagaya niya uit. Lintik na babae 'to.

Umayos ka Augustine. Halikan kita dyan tamo.

"Huwag mong gayahin ang pinagsasabi ko. Umayos ka! Sino iyon?" Inis na sabi ko. Narinig kong tumawa siya. Letche! Nang-aasar pa talaga.

"Huwag mong gayahin ang pinagsasabi ko. Umayos ka! Sino iyon?" Pangagaya niya pa sa sinabi ko.

"Isa!" Iritanang ani ko.

"Tatlo!" Napatampal ako ng noo. Juskong babae 'to! Nagayuma ba ako noon kaya ko mahal na mahal ang babaeng ito hanggang ngayon?

Noon pa man ay childish na talaga siya, mahilig mag-biro. Kaso nakakatakot kapag siya ay nagseryoso, ibang klaseng babae 'to.

"Isang pangagaya pa, hahalikan talaga kita!" Banta ko sa kaniya.

"Crush mo 'ko Sir 'no?." Pang-aasar niya.

Tss...sarap mo kutusan.

Putcha, hindi kita crush. Mahal kita!

"Paano pag-sinabi kong, oo? Ika-crushback mo ba ako?" Natigil siya sa sinabi ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya at tinignan siya nang masinsinan.

Naglakad siya paatras at halatang namumula na sa hiya.

"Oh? Natigil ka, Ms. Abias?" Pang-aasar ko pabalik.

"Tsk! T-tumigil ka nga, Loving! H-hin-ndi k-ki-t-ta type!" Utal-utal na sabi niya.

Lumapit ako lalo sa kaniya hanggang sa nakulong na siya sa mga bisig ko nang wala na siyang maatrasan.

"Hmm? Ano Miss Abias...kapag inamin ko bang may crush ako sa'yo, ika-crushback mo ba ako?"

"Hindi."

"What!?!" Iritadong tanong ko.

"Bungog ka, Sir? Dinaog mo pa an ulol na damasyu pag-nasusuya."

"Putcha! Huwag mo kong ini-alien language, Ms. Abias." Inis na saad ko.

Lintik talaga. Unang rantada pa nga lang reject na agad.

Hindi niya raw ako ika-crushback!
Tangna binabaliw mo 'ko, Augustine.

Napailing na lamang ako at humarap muli sa kay Augustine na nakukulong ng dalawang bisig ko sa pader.

Napangisi ako nang makitang kanina pa namumula ang pisngi niya.

"Maari bang makipagkaibigan?" Bulong ko at mas lalong inilapit ang sarili sa kaniya.

"Ayoko."

"More than friends ba gusto mo? Pwede naman."

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo."

"Psh." Sighal ko.

"Advance ako mag-isip eh." Saad ko sabay kindat.

After The Rain [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang