CHAPTER 14: Mishap

28.3K 495 40
                                    

  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  

BRIN's POV

"So, do we have a deal Mr. Tuazon?" I asked the man seating in front of me. Katatapos lang ng meeting namin about sa partnership na preno-propose namin between their company and ours. Mr. Tuazon's investment will help our company to the gain more investors in and out of the country kaya hindi namin maaavail na hindi maclose ang deal na ito.

"Yes. We have." Sabi naman niya na patango-tango pa. Mayroon ngiti na sa seryoso niyang mukha kaninang nagpepresent ako. "I am impressed with your presentation. Sa totoo lang, marami na akong nadaluhang meeting. But I can say that your presentation is the most organized presentation I've seen. Magaling ang pagkakagawa mo. The way you present kanina, it seems that you're just not presenting it to me but also, telling me to that I won't regret having a partnership with your company. And to be true to you. I like it." mahabang paliwanag niya.

"I guarantee you Mr. Tuazon. You will not regret being our partner. You have my word" sabi ko sa kanya. "Okay. Just send me the contract and I'll sign it" he said at patayo n asana para umalis ng pigilin ko siya.

"Actually, the contract is already here." Agad kong sabi. Napatawa naman siya. "It seems that your eager to get the partnership today". Natatawa pa rin niyang sabi at naupo ulit "well, dahil nandito na rin naman ang kontrata why not give it to me para mabasa ko na siya" sabi niya. sinensyasan ko naman ang secretary ko at sinabing ibigay na kay Mr. Tuazon ang kontrata. Agad naman itong tumalima.

Kailangan siya ng kompanya kaya gagawin ko ang lahat para lang mapa-oo ko siya sa partnership deal na ito. Seryosong binabasa ni Mr. Tuazon ang kontrata ng bigla na lang siyang tumawa. "Silly boy. Katulad ka talaga ng ama mo. Masyado kayong tuso pagdating sa negosyo" sabi niya. napakunot naman ako ng noo dahil dun.

Ilang sandal pa ay naglabas siya ng pen mula sa inside pocket ng suit niya at pinirmahan ang kontrata. Hindi ko akalaing ganun ganun na lang siya pipirma. Akala ko may babaguhin siya pero wala. Basta na lang niya itong pinirmahan.

"There you go." He said ang stood from his chair. "aasahan ko lahat ang mga sinabi mo" sabi niya at tinapik ang balikat ko. "Maaasahan ninyo" sagot ko naman sa kanya.

"I got to go. Mayroon pa kasi akong meeting sa davao" kinuha na niya ang briefcase niya sa ibabaw ng lamesa saka humarap sa akin. "It was nice having a business with you hijo" inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito at nakipagshake hands sa kanya "My pleasure sir" dagdag kong sagot.

"Sige mauuna na ako" sabi niya at lumabas na sa conference room. Napabuntong hininga naman ako. Sa wakas naclose ko rin ang deal na yun. Pwede na akong magrelax.

Lumabas na rin ako ng conference room at dumeretso sa office ko. Tinaggal ko ang suit ko at inilagay sa rack bago umupo sa aking swivel chair. Hinilot ko rin ang sintido na sumasakit ng bahagya dahil sa pagod at puyat. "Sa wakas, makakatulog na rin ako ng maayos mamayang gabi." Bulong ko sa sarili ko.

Nagpahinga muna ako sandali. Maaga pa naman. 5:12 pa lang kanina ng tignan ko ang wrist watch ko. Nagaayos ako ng mga gamit ko ng biglang bumukas ang pinto ng office ko at iniluwa niyon ang mga gago kong kaibigan.

"Yo! dude. Balita ko naclose mo daw yung deal ka Mr. Tuazon kanina?" tanong ni Silver at walang sabing umupo sa sofa dito sa office ko. Feel at home ang loko at itinaas pa ang paa sa center table. "oo" tipid ko namang sagot.

"Anong balak mo?" tanong naman niEnzo. "Hindi ko alam. Baka uuwi na lang siguro" sagot ko naman. "Uwi agad? Tara celebrate muna tayo." pag aaya naman ni Silver. Napaisip naman ako. sabagay matagal tagal na rin nung muli akong lumabas kasama ang mga ugok na to.

"Sige. Total matagal na rin akong hindi nakakainom." Sang ayon ko naman. "Kung ganun pala tara na".

Sabay sabay na akaming umalis sa opisina. Sumakay sa kanya kanyang sasakyan at nagdrive papunta sa bar na lagi naming pinagtatambayan ng college.

Sabay sabay kaming pumasok sa bar at nagdiretso sa bar counter. "Yung dati." Sabi ni Enzo. "Coming up sir" sagot naman ng bartender at nagsalute pa.

"Ano madali ba yung pagco close ng deal kay Mr. Tuazon?" tanong ni Enzo. "Oo nga. Balita ko mahirap daw mapa oo yun?" dagdag din ni Silver.

"Ayus lang. Madali naman siyang kausap" sabi ko naman sabay tungga ng shot glass ko. Ah. Sarap talaga sa pakiramdan ng init na gumuguhit sa lalamunan ko sa tuwing umiinom ako ng alak.

"Weh? Balita ko nagkaaberya daw kayo kaninang umaga dahil sa deal?" tanong ni Silver sa akin.

"Ah yun ba? Wala yung. Naiwan ko kasi sa bahay yung kontrata at yung mga files na iba kanina na kailangan sa meeting. Naayos ko din agad"sagot ko. "kayo anong balita sa inyo?"

"Ito ganun pa rin" sagot ni Silver sa tanong ko "Ulol." Sabay batok ni Enzo sa kanya dahilan para matapon sa kanya yung iniinom niya. "anong ganto pa rin ka jan" dagdag pa niya.

"Langya pre sakit nun ah. Ikaw kaya batukan ko jan. tignan mo nga o basa na tuloy ako." angal namin nung isa. Tawa lang ang isinagot ni Enzo kay Silver na umiirap pa.

"Tangina mo kasi, bat di mo pa sabihin sa kanya." Natatawa pa ring sabi ni Enzo. "Para ano? Para may kasama ka ng tawanan ako?" sagot naman ni Silver.

"Sabihin ang ano at tawanan ang alin?" naguguluhang tanong ko naman sa dalawa "Eh, pano kasi. Itong si Silver bina blind date ng mama niya. akalain mo yun? Ha ha ha". tumatawang sabi ni enzo

"Ha ha ha ha. Ang number 1 Casanova ng bayan bina blind date ng nanay niya ha ha ha ha" Di ko mapigilang tumawa sa binunyag ni Enzo. Tawa lang kami ng tawa dun habang ang sama ng tingin sa amin ni Silver. Ang dilim ng mukha niya at parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sige tumawa lang kayo ng tumawa. Pagtawanan niyo pa ako. Langya kasi tong si Enzo sabi ng wag sabihin sinabi pa rin" sigaw niya sa amin habang nakabusangot pa rin.

"Eh pano naman kasi pre ang tanda mo na ibinablind date ka pa rin. Ano high school o college? ha ha ha ha" sabi ni Enzo saka sami ulit tumawa ng tumawa. "Sige pagtawanan niyo pa ako" sabi ni Silver at akmang tatayo na at aalis ng pinaupo ko ulit siya. "Sige na hindi na kami tatawa" sabi ko sa kanya habang pinipigil ang pagtawa. Nagtatampo na kasi. Sa aming tatlo siya ang pinakamadaling naaasar at matampuhin.

Nag inuman lang kami ng nag-inuman dun habang nagkwekwentuhan. Hindi na namin namalayan ang oras. Magaalas dose na ng umuwi kami. Lasing na kami lumabas sa bar. Yung dalawang gago halos din a nga makapagdrive. Pero nagdrive pa rin. Gago eh. Anong magagawa mo.

Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko para makauwi na antok na antok na kasi ako. ikaw ba naman ang hindi makatulog ng maays ng ilang linggodahil sa deal at samahan mo pang lasing o diba?.

Nasa may highway na ako ng maisipan kong i-on ang radio. Nilakasan ko ng konti ang volume nito. Pagtingin ko sa daanan isang nakaksilaw na liwanag ang nakita ko. Agad kong minaneobra ang sasakyan paiwas sa kasalubong kong truck.

Naiswas ko ang sasakyan ko sa pagkakabangga sa truck pero hindi ko inaasahan ang isa pang sasakyan na kasunod nito.

Shit. Yun na lang ang nasabi ko bago ako nakarinig ng nakakabingin tunog na sinundan ng impact ng pagbanga ng sasakyan ko. Naramdaman ko pa ang paglobo ng built-in safety airbag ng sasakyan ko. Nakaramdam din ako ng kakaibang sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan ko pati ang pagtulo ng kung anong likido mula sa ulo ko. hindi rin ako makagalaw dahil naipit ang paa ko na halos hindi ko na matagal pa ang sakit. Nakarinig din ako ng tunog ng nagsisigawan at ang tunog ng ambulansya bago nagdilim ang paningin ko.




*****



His Lost Queen [EDITING]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang