CHAPTER 4: PROMISE

31.5K 584 46
                                    

**********

CHAPTER 4: PROMISE

*********

VOTE COMMENT SHARE RECOMMEND and FOLLOW

CHANTAL's POV

It's been 3 month magmula ng ikasal kami ni Brin. Apat na buwan ko na ring dinadala sa sinapupunan ko ang anak namin.

Maayos naman ang pagsasama namin. Kung ituturing mong maayos ang hindi nagpapasinan o mas tamang sabihing di ka pinapansin ni tinatapunan ng tingin.

Wala namang akong nakikitang problema sa pagsasama namin. Maliban na lang sa maaga talaga siyang umuuwi ng bahay. As in literal na maaga siyang umuwi. Kung hindi kasi pass 12, kung minsan ay alas 2 o alas 3 na ng madaling araw siya umuuwi ng bahay.

Siguro akala niya hindi ko alam ang oras ng paguwi niya pero alam na alam ko yun dahil hinihintay ko siya gabi-gabi. Nakakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kanya eh.

Nagigising lang ako kapag naririnig ko na ang ugong ng sasakyan niya sa may garahe kaya agad agad akong umaakyat papuntang kwarto namin at nagkukunwaring tulog.

Ganun na ang naging routine ko araw araw.

Lagi ko ring naririnig ang mga mura niya tungkol sa hinanakit niya sa akin at sa pagpapakasal niya sa akin. At hindi rin naman ako ipokrita para sabihing hindi ako nasasaktan dun. Dahil masakit.

Sobrang sakit. But here I am at walang magawa but to cry silently. Masking the pain he's inflicting me for our child, for our family.

Alam ko rin na sa bar siya nagpupunta pagkagaling niya sa kompanya dahil sa tuwing uuwi siya ng bahay ay amoy na amoy ko ang alak na ininom niya.

Malamig din ang pakikitungo niya sa akin na daig pa ang yelo sa lamig. Simula ng umuwi siya pagkagaling sa Bar siguro noong araw ng kasal namin ay hindi pa rin niya ako kinikibo.

Tuwing kakausapin ko naman siya ay linalampasan niya lang ako. Dinaig ko pa nga ang hangin na hindi niya nakikita. Ni ha, ni ho wala talaga. As wala talaga siyang nalak pansinin ako.

Pero ayos lang yun. Pasasaan ba't mawawala rin ang galit niya sa akin. At pagdating ng araw na iyon ay mararamdaman din niya na totoo talaga ang pagmamahal ka sa kanya.

Kasalukuyan akong nagpaplantsa ng slacks ni Brin. Ito na ang morning routine ko. Una ipagluluto ko siya ng umagahan kahit hindi naman niya kinakain saka ko ihahanda ang damit na gagamitin niya.

Katatapos ko lang ng pagpaplantsa ng Slacks niya at kakaumpisa ko pa lang plantsahin ang suit niya nang bigla na lang akong nakaramdam ng pagsusuka kaya naman agad akong nagpunta sa CR para doon sumuka.

Nitong nakaraang linggo pasama ng pasama ang gising ko sa umaga. Kung hindi ako bigla bigla na lang mahihilo o mahihirapang bumangon, lagi naman akong nagsusuka. Damn this morning sickness. Ang hirap ng buntis, lalo na sa lagay ko.

Nahihilig din ako sa mga weird na pagkain ngayon lalo na sa madaling araw. Pero dahil wala akong asawa na aasahan para bilhin ang mga pinaglilihian ko kaya pinipigil ko na lang ang sarili ko.

Oo nga't may asawa ako pero hindi ko naman siya pwedeng pabilhin dahil ayaw nga niya sa anak ko hindi ba. Malamig ang pakikitungo niya sa akin at isa pa lagi naman siyang wala dito sa bahay at kung umuwi naman ng bahay ay halos alas dos o alas tres na ng madaling araw at lasing pa. San umaga naman alas 8 pa lang ay umaalis na siya.

Hindi ko rin naman siya matawagan o maytextan man lang dahil hindi ko alam ang number niya. So ano pang aasahan ko? Walang iba kundi ang sarili ko lang. Wala rin naman akong kaibigan dito sa pinas at ang kapatid ko naman ay umuwi na para sa trabaho niya. Binibisita lang naman ako nun dito.

His Lost Queen [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon