CHAPTER 2: Secret Wedding

42.5K 763 71
                                    

********

CHAPTER 2: SECRET WEDDING

********

VOTE COMMENT SHARE RECOMMEND and FOLLOW

CHANTAL's POV

"I now pronounce you husband and wife" sabi ng judge na nagkasal sa amin "You may now kiss the bride."

Pagkarinig ko nun humarap agad ako sa kanya. Siya din humarap sa akin pero halata mong kanina pa siya nababagot. Paano ba naman kinasal siya ng wala sa oras.

"You may now kiss the bride" ulit ng judge. "tss.'' yun lang and he kissed me on the cheeks. Tapos nauna sa siyang lumabas, he didn't bother to take a look at us... at me. Tuloy tuloy lang siya sa paglabas ng silid.

Ako na si Chantal Leigh Welsh-Henderson. Kinasal lang ako kanina sa pinakamamahal kong lalaki, si Brin Claude S. Henderson.

Though I love him, he doesn't love me back. Pero natututunan naman ang pagmamahal di ba. Kaya pasasaan ba't matututuhan niya rin akong mahalin.

Ah, oo nga pala judge yung nagkasal sa amin hindi pari, yun kasi ang gusto ni Brin. Kahit na gusto ko ng church wedding hindi na ako tumutol kasi ang mahalaga naman sa akin ay ang maikasal kami. Kahit na sekreto lang.

Konti lang ang nakakaalam nitong pagpapakasal namin. Kami lang, ang mga magulang ni Brin at ang Judge na nagkasal sa amin. My parents are dead at ang mga relatives ko ay malayo.

Wala rin kaming reception dahil iyon ang gusto ni Brin. Tutol man ang mga magulang ni Brin ay pumayag na rin sila dahil yun na din ginusto ko. Para hindi na lalong magalit sa akin si Brin.

After ng kasal namin dumiretso na kami ni Brin sa bagong bahay namin. Regalo ito ng mga magulang ni Brin sa amin. Two story house siya na mayroong 4 room sa second floor plus the masters bedroom.

Pagdating namin sa bahay, agad na siyang dumiretso sa kwarto namin. Pagod na rin siguro. Ako na yung naglabas ng mga gamit ko na nasa trunk ng kotse. Yung mga gamit kasi ni Brin nailagay na rito kahapon pa sabi ni mama. Kaya gamit ko na lang ang aayusin ko

Hindi na ako nagabalang magpatulong sa knya dahil siguradong sisinghalan lang niya ko. Tama na ang galit na nararamdaman niya ngayon sa akin ayaw ko nang dagdagan pa ito.

Pagkaakyat ko sa kwarto namin inayos ko na agad ang mga gamit ko. Saktong pagkatapos kong ayusin ang mga damit ay ang paglabas naman ni Brin mula sa banyo.

 Kakatapos lang niyang maligo. Nakatapis lang siya ng twalya at may tumutulo pang tubig mula sa buhok niya.

"Are you done checking me out?" naiiritang tanong niya. Hindi ko namalayan matagal pala akong nakatitig sa kanya. Napayuko na lang ako dahil sa hiya.

Agad din siyang sa walk in closet namin. Habang nagpapalit siya ay naupo naman ako sa kama. Napahod kasi ako sa pagbuhat ng mga gamit ko mula sa baba para iakyat dito sa kwarto namin. 

Isama pa na isa isa ko rin tinanggal mula sa mga bagahe ko ang mga damit ko para maiayos sa closet.Mabilis lang na nagbihis si Brin.

Pagkalabas na pagkalabas niya sa walk in closet ay masama ang pagkakatingin niya sa akin, yung bang parang gustong gusto na niya akong palayasin o kaya ay patayin sa pagkakatitig niya sa akin.

Kung nakamamatay lang ang pagtingin siguro ay hindi na kami naikasal pa at wala sa ako dito sa bahay niya. Kanina pa kasi ganyana ng tingin ibinibigay niya sa akin. Nagsimula iyang ganyang tingin niya ng dumating ako sa opisina ng judge na nagkasal sa amin.

"Ano masaya ka na dahil napakasal na ako sa iyo? Masaya ka na ba dahil nasira mo na ang buhay ko ha? " sabi niya na punong puno ng galit.

Hindi ko inaasahan yung mga salitang yun na lalabas mula sa kanyang mga bibig kaya natigilan ako kasi ang sakit ng mga salitang binitawan niya. Pero hindi ko pinahalatang nasasaktan ako sa mga salitang iyon.

"Brin, hindi ko naman gustong sirain ang buhay mo. At saka, mahal na mahal kita alam mo yan kaya kita pinakasalan at isa pa, para 'to sa atin at lalo na para sa magiging anak natin," saad ko sabay himas sa impis ko pa lang na tiyan.

Wala akong balak na sirain ang buhay niya. Nais ko lang na mabigyan ng buong pamilya ang anak namin. Mali ba na sinabi ko sa kanya na dinadala ko ang anak niya? Hindi naman di ba. Kasi karapatang niyang malaman ang tungkol sa bata.

"Ay oo nga pala para sa anak MO." puno ng sarkasmong sabi niya na binigyan ng diin ang salitang MO. "Sa anak mo sa kung kanino mang lalaki na ipinapaako mo sa akin." Tuloy pa niya sa mga sinabi niya.

Masakit marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya, sa kanya na ama ng aking anak. Sobrang sakit. Ako ang nasasaktan para sa anak ko, sa anak namin.

"Brin maniwala ka. Anak mo tong nasa sinapupunan ko. Ikaw ang ama niya. Dahil ikaw lang ang lalaking minahal at mamahalin ko. Ikaw lang din ang pinagalayan ko ng sarili ko Brin, Ikaw lang maniwala ka naman oh." Paliwanag ko sa kanya pero ayaw niya makinig.

"Wag mo nang bilugin ang ulo ko Chantal, alam kong anak mo yan sa ibang lalaki at ipinaaako mo lang sa akin dahil ayaw kang niyang panagutan!!!" sigaw niya ulit sa akin na mas lalong nagpabiyak ng puso ko.

"Please Brin Maniwala ka, anak mo talaga 'to" sabay turo ko sa tiyan ko. Naiiyak na naman ako.

"Huwag ka ngang magpatawa Chantal, ganyan ka na ba kadesperada ha? Na kailangan mo pa talagang magpabuntis sa iba tapos ipapaako mo sa akin ang responsibibidad ng gagong nakabuntis sayo para lang pakasalan kita at mahalin kita?" mababakas ang galit at pang-uuyam sa bawat salitang sinasabi niya.

Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa mga salitang sinasabi niya. Puro masasakit na salita ng lumalabas mula sa mga labi niya. Mga salitang walang katotohanan. Nagpatuloy lang ako sa pagiyak. Iyon lang ang tangi kong magagawa.

"Tandaan mo to Chanta. Kahit na kailan hindi kita mamahalin at yang anak mo wala akong pakialam diyan. Hindi ko naman anak yan eh. Malay ko ba kung sinong nakabuntis sayo."

"Brin" bulong ko pero hindi pa rin siya tumigil nasasaktan na talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Wala kayong aasahan ng anak mo, lalo ka na. Siguro nga nakuha mo na ang pangalan ko. Ang galing mo nga eh pati sila mama napaikot mo pero hindi ako. Kung pera lang din? sige paliliguan kita ng pera, yun naman ang isang habol mo diba, kaya sige bibigyan kita ng pera, Bitch." And with that, lumabas na siya ng kwarto at umalis ng bahay.

Pagkaalis niya ay wala ng tigil ang pastulo ang mga luha ko. The pain cause by his words is too much. Ang sakit sakit. Sa sobrang sakit ay parang hinahati ang puso ko sa milyon milyung piraso.

Ganun pala ang tingin niya sa akin. Mukhang pera. Isang babaeng naghahabol sa yaman niya. But no, I have my own money. Hindi pera ang kailangan ko sa kanya kundi pagmamahal at pagtanggap.

Yung ang kailangan namin ng anak niya. Hindi ang pera niya.

Oo masakit ang mga sinabi niya pero sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. Hindi yun magbabago.Alam ko balang araw marerealize niya rin na ang lahat ng mga sinabi niya ay pawang kamalian.

At balang araw mamahalin niya rin ako at matatanggap niya rin ang anak namin. Hindi ako susuko.

Magtitiis ako para sa pagmamahal ko sa kanya. Para sa anak namin at para sa pamilyang ito. Dahil ang gusto ko lang naman ay mabigyan ng kompleto at masayang pamilya ang magiging anak ko.

**********

VOTE COMMENT SHARE RECOMMEND and FOLLOW

-

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now