CHAPTER 25: Realization

45.3K 885 446
                                    

  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  

********

CHAPTER 25: Realization

********

ENZO's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ko ng biglang bumukas na lang yung pinto. As usual si Silver na naman yan. Ano na naman kayang kailangan ng ugok na 'to. "don't you know how to knock?"

"Marunong, tinatamad lang." sagot niya sabay upo sa couch ko. Iling na lang ang nagawa ko sa inasta niya. "tara, punta tayo ng ospital" alok niya. Ano naman ang gagawin ko dun.

"Ano naman ang gagawin natin dun sige nga." Tinatamad kasi ako. Ito ngang mga paper works ko bwisit na bwisit na ako eh. Tapos mag-aaya siyang tumambay sa ospital pa. gago 'to.

"Tarantado" sabay bato niya sa akin ng magazine na hawak niya. Buti na lang nakailag ako. "bakit ka ba nangba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng Makita kong galit na tong isang 'to. "kung ayaw mo ako na lang ang bibisita kay Linden. Walang hiya." At naglakad na siyang palabas sa opisina ko.

Shit. Si Linden nga pala. Bakit ko ba nakalimutan yun. Langya, tatlong araw ko na rin pala siyang hindi nadadalaw. "hoy hintayin mo ako. Gago ka bat hindi mo sinabia agad" sigaw ko kay Silver. Nagsitinginan pa nga yung ibang mga ipleyado sa gawi naming pero paki ko.

Nagtuloy tuloy lang si Silver sa elevator. Tsk. Nagtampo na hindi na namamansin eh. Sumakay din ako ng elevator pero nabigla ako ng 20th floor ang pindutin niya. "hoy akala ko bas a ospital tayo pupunta bakit yung floor ni Brin ang pinindot mo dib a dapat sa ground floor tayo" naguguluhang tanong ko.

"Tsk. Matalino ka ba talaga. Bakit parang mas matino pa ako sayo mag-isip" saad nito. "ang sakit naman nitong magsalita." Sabi ko sabay hawak pa sa dibdib ko para mas convincing ang acting.

"Yung totoo. Ano ba tlaga ang gagawin natin sa opisina ni Brin." Seryosong tanong ko. Kasi hindi ko talaga alam. At saka iba din kasi si Silver ngayon. Parang wala siya sa sarili niya. Si Silver kasi ang buhay ng barkada. Hindi diya nagsesseryoso pero iba ngayon eh. Parang may mali.

"Tatanungin ko siya kung gusto niyang sumasa sa ospital" sagot niya. "ah ganun ba. Kamusta na nga pala si Linden?" tanong ko. Hindi na kasi ako nakadalaw ulit sa kanya. Noon na lang nalaman ko kay Chantal na naaksidente siya. Yun na yung una at huli kong dalaw sa kanya kaya wala akong balita.

"Di ko alam noong isang araw pa kasi ako dumalaw. Hindi pa ako bumamalik ulit." Sagot niya kasabay ng bagbukas ng pintuan ng elevator.

Dumiretso kami sa opisina Brin. Humarang pa nga yung secretary niya pero nilagpasan lang namin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang makikita ko sa loob ng opisina. Si Brin na may kahalikang babae.

Hindi ako nakagalaw agad dahil nashock ako sa nakita ko pero mas lalo akong nashock ng bigla na lang sinugod ni Silver si brin at undayan ng napakaraming suntok.

"Gago ka." Sigaw ni Silver habang sinusuntok siya. Gumanti rin ng suntok si Brin. Yung babae naman kaninang kahalikan ni Brin ay tulala. Kaya pinalabas ko na. "You can go" matabang kong sabi sa kanya. Saka ko hinarap ang mga kaibigan kong nagsusuntukan.

Patuloy lang sila sa pagbabasagan ng mukha. "walangya kang tarantado ka." Sigaw ni Silver saka sinuntok ulit si Brin sa mukha. "gago ka rin" ganting sigaw ni Brin at gumanti rin ng suntok.

Pilit ko silang inaawat pero ayaw talaga nilang magpaawat. Suntukan lang sila ng suntukan. Puro mura na lang ang naririnig ko sa loob ng opisina. Ng hindi na ako nakatiis. Pareho ko na silang sinuntok.

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now