CHAPTER 19: Wish

27.7K 536 56
                                    

  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  

********

CHAPTER 19: Wish

********



CHANTAL's POV

"Baby, can you bring this to your dad?" sabi ko kay Linden sabay abot ng juice at sandwich na ginawa ko. "okay mom" sagot nito ng may malawak na ngiti sa labi.


"By the way, he's at the garden." Pahabol ko sa anak kong papalabas na ng kusina. "okie dokie" masiglang sambit niya.


It has been 2 weeks mula ng lumabas sa ospital si Brin. Pero hindi pa rin siya nakakapasok dahil na rin sa cast sa paa niya. Inadvice ng doctor na magpahinga na muna siya ng isa hanggang dalawang buwan. Medyo malala rin kasi ang tama ng paa niya kaya ganun.


Sa dalawang lingo niyang pamamalagi dito sa bahay ay hindi pa rin nagbabago ang trato niya sa akin  at kay Linden. Lagi rin itong nakasigaw. Tila mas nagging bugnutin siya nitong mga nakaraang araw.


Lagi rin itong nagkukulong sa kanyang study room at nakaharap sa laptop niya. Puro paper works ang inaatupag niya. Ayaw na ayaw din niya na naiistorbo siya.


FLASHBACK


"Brin dinalhan kita ng meryenda, baka nagugutom ka na?" sambit ko ng makapasok ako sa study room niya. "did I tell you to bring those shit to me?" naiinis na tanong niya sa akin.


"Inaalala lang naman kita. Kaninang umaga ka pa kasi nagkukulong ditto sa study mo eh"malumay kong paliwanag sa kanya sabay lapag ng meryenda sa may desk niya.


"Bullshit". Sigaw niya at saka ako binigyan ng napakasamang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin niya, siguro I'm absolutely six feet under by now. Natapon kasi yung juice ng matabig niya ito dahil. "look what you've done. fuck"


"Sorry. Lilinisin ko na lang" ako na ang humingi ng dispensa kahit na hindi ko naman kasalanan na natabig niya yung baso. "sorry, sorry. Fuckshit. Anong akala mo matutuyo ng sorry mo ang mga papeles na to?" maanghang na sumbat niya sa akin.


Nanatili lang akong tahimik habang parang bata niya akong pinagagalitan. Nagulat ako ng bigla na lang siyang sumigaw na sinundan ng ingay ng mga nababasag na baso at platito.


"Bwisit"nakakabingi ang pagsigaw niya sa akin. Hinagis rin niya ang meryenda niya na nasa ibabaw ng desk niya. I squealed muntik na niya kasi akong tamaan. "now clean that fucking mess. Don't you dare leave a spot not cleaned" sigaw niya ulit.


Tumango na lang ako saka nanginginig na sumagot. "y-yes B-br-in" nagkumahog akong bumaba para kumuha ng panlinis sa mga binasag at kinalat niya.


Pagbalik ko sa itaas agad kong lininis ang mga nagkalat na bubog. "bilis bilisan mo nga diyan" pasigaw n autos niya sa akin "dapat pagbalik ko wala na ni isang bubog at kalat ditto. Ayaw ko rin na may makikita akong basa sa floor. Pag ako nabubog o kaya nadulas diyan makakatikim ka sakin" saka niya pabalibag na isinara ang pinto.

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now