CHAPTER 33: DUEL

28.8K 531 54
                                    


  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  

**************

CHAPTER 34: DUEL

**************

BRIN's POV

"Mr. Henderson, Seigneur Welsh is looking for you." François said in his thick French accent. Napatigil naman ako sa aking pagdidilig ng mga rosas dahil doon. Oo tama ka. Nagdidilig nga ako ng rosas.

Kung noong nakaraang lingo naglilinis ako ng kwadra at nag-aalaga ng kabayo ngayon naman hardinero ako. 

Napapasin ko nga ginawa na akong all around utusan ng lolo ni Chantal. Pero wala naman akong magagawa.

Kung ito lang ang paraan para maging karapat dapat ako sa apo niya ay gagawin ko. Basta para kay Chantal at para sa anak ko.

Agad kong pinatay ang valve ng hose ng tubig bago tumingin sa kanya. "He's at he's private library." As usual dun naman naglalagi yun eh.

"Okay I'll be there. Thank you" he just nod and left me in the garden. Dali dali naman akong nagpunta sa kinaroroonan ng lolo ni Chantal.

I knocked on the door twice before I heard his full voice saying "come in". I hastily opened the door and walk inside the room.

"You called for my presence sir?" sabi ko na parang isang sundalong naprereport sa kanyang nakatataas. Sir ang tawag ko sa kanya at hindi lolo dahil hindi ko pa nakukuha ang loob niya.

Isa pa hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko kaya sir muna. Kapag approve na siya sa akin para kay Chantal saka ko na siya tatawaging lolo.

"Yes, I need you to go to the vineyard and take a sample of all the new fermented wine in the cellar and bring it here pronto" matigas niyang utos.

"What are you standing out there, go!" sigaw nito na dumagundong sa apat na sulok ng kwarto. "Ye-yes sir" sagot ko. Saka nagmamadaling lumabas ng silid.

Langya naman oh. Di ba niya alam na nasa dalawampu ang klase ng alak na pinapakuha niya. Kung di lang to para kay Chantal at Linden nuncang gagawin ko to eh.

Damn man and hirap kayang magbuhat ng crate na may lamang ilang bote ng alak.

************

Kasalukuyan akong nagaayos ng mga bote ng alak dito sa may bar counter ng marinig ko ang bulong bulungan ng mga kasambahay dito.

"Lis, Lis, have you heard. Lord Ethan is here." Parang kinikilig na sambit ng nung isang italyana ata. "really, his here?" hindi naman makapaniwalang tanong ng isa.

"Yeah. I heard his here for the arrival of Lady Chantal from her vacation. How sweet." Kinikilig pang sabi nito. anong sweet dun eh hindi naman siya ang asaw ni Chantal. AKO naman.

"Yeah he's such a sweet guy. I saw how he cared for lady Chantal and before she went abroad last month."

"Yeah I saw how he kissed and hugged her too."

Nagngitngit naman ang kalooban ko dahil sa aking narinig.

Napatiim bagang ako. Sino ba iyang Ethan na yan at parang pumuporma pa sa ASAWA KO. Langya, hinalikan at niyakap pa talaga niya.

Nagpupuyus ang damdamin ko habang hinahanda ang mga red at white wine glass na gagamitin nila mamaya. Hindi ko rin mapigilan ang pagbulong at pagisip kung paano ko bubugbugin ang Ethan na yun dahil sa pagporma niya kay Chantal.

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now