CHAPTER 24: Heartless

38.2K 901 170
                                    


  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  


***********

CHAPTER 24: Heartless

***********

CHANTAL's POV

Today is the second day na nandito sa ospital ang anak ko. Until now hindi pa rin nagbabago ang lagay niya. He's still under observation. 24-seven din kung magbantay ang mga doctor sa kanya. And the worse thing is he's still in coma.

Mugtong mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Hindi ko na nga alam kung saan pa nagmumula ang mga luha ko. I've been crying for two days nonstop. But that can't even stop or lessen the pain I am feeling.

Ngayon ko lang nalaman na it's the worst thing pala to see your child fighting for his life habang ikaw nanunuod lang. nagbabantay sa kanya. Gustuhin mo mang makipagpalit sa kanya pero hindi mo magawa. Wala kang magawa.

I feel so worthless. Ngayon ko lang to naramdaman. It worst than being beaten by Brin. Mas malala pa to sa mga sinasabi niya sa akin. Masgugustuhin ko pa na saktan ako ni Brin, na pagsalitaan niya ako ng mga masasakit na salita. But not this.

I can't bear seeing my child experiencing these kind of pain. Sobrang sakit. Hindi ko alam kuung ano ang gagawin ko. Kung pwede lang magpalit na lang kami ng pwesto eh. Gagawin ko. Just to lessen the pain he is feeling.

"Hey, is he alright?" tanong ng isang baritonong boses sa tabi ko. Ni hindi ko man lang napansin na nanjan pala siya. Umiling lang ako. It seems that I can't find my voice. Napabuntong hininga naman siya.

"Kakayanin niya yan. Have faith. figther yata ang inaanak ko." Pagpapalakas niya ng loob sa akin. "di ka pa umuuwi ano?" tanong niya ng hindi ako umimik. Nanatili lang kasi akong natatingin sa loob ng ICU. Pinagmamasdan ang kawawang katawan ng anak ko na puro benda.

"Hindi pa." mahinang usal ko sa tanong niya. "umuwi ka na. magpahinga ka naman. Halos dalawang araw ka ng walang tulog. Baka ikaw naman ang magkasakit." Halting halata ang pag-aalala sa boses niya. "hindi pwede. Hindi ko iiwan ang anak ko ditto ng ganyan ang lagay niya"

"Tss. Pasaway ka rin eh no." nailing na sabi niya. "tsk. Nung nakaraang lingo si brin ang dinadalaw ko ditto. Ngayon itong inaanak ko naman. Shit" sabay sipa niya sa dingding ng ospital. "langya naman oh. Umalis lang ako ng ilang araw sa bansa, eto na naman ang sasalubong sa akin."

Pinagsisipa niya ang dingding ng ospital. Nang mapagod na siguro ay bigla na lang siyang napasalampak sa sahig. Sapo niya rin ang ulo saka pinagsasabunutan ang sariling buhok.

"Silver" mahinang usal ko sa pangalan niya pero hindi niya iyon pinansin. "yung tarantado mong asawa dumalaw na ba?" napayuko na lang ako sa tanong niya. Hindi pa kasi alam ni Brin ang nangyari. Lagi ko siyang tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko.

Hindi ko rin siya maabutan sa bahay. Kapag tumatawag naman ako sa opisina niya. Laging yung sekretarya niya lang ang sumasagot. "hindi pa. wala pa siyang alam" halos pabulong kong sabi sa kanya pero alam kong narinig niya iyong.

Bigla naman siyang napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig "what?" sigaw niya. "anong wala pa siyang alam. Tanginang gagong yun ah. Eh si Enzo, dumalaw na ba?" nagpupuyos sag alit niyang tanong. "oo nagpunta siya ditto kahapon pero baka hindi daw siya makadalaw ngayon busy kasi."

"Okay, pero damn it Chantal. Kelan mo balak sabihin kay Brin." Tanong niya. Unti unti na rin siyang kumakalma. "actually uuwi n asana ako para maabutan ko si Brin sa bahay. Hinihintay ko lang si Minerva. Kailangan pa kasi ng dalawang bag ng dugo ni Linden. Hindi pa naman kami magkatype" mahinang paliwanag ko.

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now