CHAPTER 29: Lucky Bastard

39.4K 666 44
                                    

  THIS PART AS WELL AS THE SUCCEEDING PARTS ARE NOT REVIEWED OR EDITED.  


*********

CHAPTER 29: Lucky Bastard

*********


BRIN's POV

"Patay? Bakit ano bang ginawa mo sa kanila ha, Brin?" tanong ni Calvin. Ano nga ba ang ginawa ko? Shit.

"Well, pinairal niya lang naman ang pagkatarantadong gago niya" sagot ni Silver sa tanong niya.

Mukhang mas naguluhan pa siya sa sinabi ni Silver. Kinuwento namman ni Enzo ang mga ginawa k okay Chantal at sa anak namin.

Pagkatapos kong marinig ang lahat ng mga kinuwento ni Enzo mas lalo lang akong kinakain ng guilt ko.

Hindi ko alam na ganun pala kasama ang trato ko sa mag-ina ko nung kapiling ko pa sila.

Shit. Ngayon nagdadalawang isip na ako kung deserve ko pa bang mabigyan ng second chance. Sobra ang mga ginawa ko sa kanila.

Habang nagkukwento si Enzo hindi ko sila matignan ng maayos. Nakayuko lang ako the whole time. Nahihiya kasi ako.

I'm such a big jerk. Kahit si Enzo ang nagkukwento kahit hindi si Chantal, ramdam na ramdam ko pa rin ang hirap at sakit na dinanaas ng mag-ina ko.

Hindi ako makahinga ng maayos. Parang unti unti akong pinapatay habang naririnig ko ang mga sinasabi niya. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Sana hindi ko na lang pinairal ang pride at ego ko. Sana hindi ko nasaktan ang mag-ina ko. Sana kapiling ko pa sila ngayon. Sana hindi ako nagdudusa ng ganito

Sana hindi naaksidente ang anak ko. Sana hindi sila umalis sa tabi ko. Sana masaya na kami ngayon. Pero sana. Sana, sana, sana. Puro sana.

"Ngayon naniniwala na akong gago ka nga. Hindi ka lang gago. Tarantado ka rin at stupido. Pero Bro, ayos lang yan. Hindi pa huli ang lahat. Kaya mo pang iayos ang mga katarantaduhang ginawa mo. Just ask for their forgiveness lalo na sa anak mo and a second chance. At kung hindi ka man nila bigyan at least you tried." Payo ni Calvin.

"Oo nga bro. hindi pa huli ang lahat. Kaya kung ako sayo kikilos na ako. At pwede ba tumigil ka na sa kakaiyak mo ang bakla mo pre!" sabi ni Silver sabay batok sa akin. Saka sila nagtawanan.

Pinunasan ko naman ang mga luha ko. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Nakakabakla. Grabe

Nang makalma ko na ang sarili ko ay tinignan ko si Calvin. "So, nasan ang mag-ina ko ngayon? Kanina ka pa dito hindi mo pa sinasabi. Hambalusin kita jan eh" tanong ko sa kanya.

"Pano ko masasabi eh nagdrama ka naman na" natatawang sabi nito. "drama king pala itong si Brin eh?" nagtawanan naman silang tatlo.

Binigyang ko lang sila ng masamang tingin. Gago tong mga to. Pinagkakaisahan ako. "sige, sige" he said suppressing his laugh.

Tumikhim muna siya bago nagsalita "okay, batay sa mga information na nakuha ko. Nasa Bordeaux, France siya ngayon."

"Siya?" naguguluhang tanong ko. Bigla naman akong kinabahan sa mga sinabi niya. Siya. Eh si Linden yung anak ko? "Eh si Linden yung anak ko? Na-nasaan siya?" abot hanggang langit ang kabang nararamdaman ko sa ngayon.

Alam kong namumutla na naman ako ngayon at nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa anak ko.

Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan. Nayayakap. Hindi ko pa napaparamdan na may papa siya. Na mahal ko siya. Hindi pwedeng mangayari yun.

His Lost Queen [EDITING]Where stories live. Discover now