ZTUP S1 - C H A P T E R : 8

6.8K 269 27
                                    

"Ano po ba ang nais niyo pong malaman, Prinsesa Xhandria?"

Pagkatapos ko mag tanong sa kanila nang mga nais kong malaman ay pinalabas ko agad sila at pinakuha nang aking makakain dahil nag sisimula nang manaksak ang mga bulati sa aking tiyan dahil sa gutom.

Nang makalabas at maka na sila sa kulungang aking kinalalagyan ay bumaba naman ako sa aking kinahihigaan at nag simulang gumagalaw galaw upang malaman ko kung may lakas ba ang katawang ito sa pakikipag sakapan dahil alam kong mga braso, kamay at mga paa ko lang ang maari kung asahan pag dating sa labanan.

Isali narin pala ang utak ko.

Abayyy syempre matalino din ako pagdating sa labanan pero wala din namang silbi ang talino kung ang pisikal ay mahina.

Pagkalipas ng ilang minuto ay medyo pinagpawisan na ako at ang masasabi ko lang sa katawang ito ay....

Sussss!!!! Maryuuusseeppp!!!

Kung ang mukha nito ay mukhang napaka marupok na parang baso mas lalo pa ang mga buto nito na halos lahat tumutunog pag ginagalaw ko ng husto.

Grabe naman kaya pala bugbog sarado to sa mga tarantado.

Umiiling nalang ako dahil sa sobrang hina ng katawang ito at pagkatapos ko mag warm up ay nag push up ako dahil sa wala parin naman ang dalawang nilalang.

Halos mabali na ang mga braso nito pagdating ng ika walompo't anim ng pag push up ko at nanginginig na nga ang mga kalamnan nito dahil halos hindi na nito kaya pang i-angat ang bigat ng katawang ito at halos masugatan ko na ang pang ibabang labi nito sa diin ng pagkagat ko dahil sa labis na pagkadismaya.

Yung katawan ko dati ay kayang umabot ng isang libong push up, anim na daang squat, walong daang sit ups, limang daang dip chest and triceps at dalawang libong jumping rope.

Gusto ko maiyak dahil hindi pa nga ako nangalahati sa push up at may iba pa akong gustong gawin pero sumusuko na ang katawang ito.

Dumapa nalang ako sa lapag dahil sa inis at pagod na nararamdaman ko sa katawang ito pero pagkalipas ng tatlong segundo ay bigla nanlaki ang katawan ko sa gulat dahil bigla nalang nagkarun ng usok ang katawang ito na may pinaghalong kulay berde, asul, pilak at ginto.

Bigla ako napatayo at pinagmasdang mabuti ang kababalaghang nangyari sa katawang ito habang may namumuong kaba sa aking dibdib.

Bigla rin nawawala ang pagod at panginginig sa kalamnan nito pero mas lalo lamang dumami ang usok at tumingkad ang kulay nito.

Napaangat ang aking paniningin sa pintuang bakal sa kulungang kinalalagyan ko nang may narinig akong ingay at duon ko nakita ang gulat na nakangangang mukha ng dalawang nilalang na sina Navah at Radya sa labas at nang tignan ko ang kanilang paanan ay nakita ko ang pinggan na umiikot pa ito habang sa paligid naman nito ay ang pagkain na natapon.

May isang bagay naman ang gumugulong papunta sa akin at ng tignan ko ito ay isa itong baso na wala nang lamang tubig na siyang naging dahilan upang mapalunok ako ng tatlong beses sa biglaang pagka uhaw.

Umungat ang paningin ko ulit sa kanila at mangiyak-ngiyak na patuloy paring lumulunok sa aking laway.

"Mahal na Prinsesa!!!! Ano ang nangyari sayo!!"

Tila natauhan na siguro sila at kumaripas ng takbo papunta sa akin at agad akong niyakap ni Radya habang si Navah naman ay hinawakan ako sa aking kamay pagkatapos ay umiikot sa akin ng ilang beses.

"A-ayos ka lang ba mahal na Prinsesa Xhandria? Ano ang nangyari?" Pumiyok na tanong ni Navah sa akin habang tinignan nito ang aking mga mata.

Samantalang si Radya ay umiiyak habang nakayakap parin parin sa akin.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now