ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3

3.6K 228 59
                                    

[= Miragh =] :

Napakuyom ko ang aking mga kamay dahil sa inis, galit at sakit sa nakikita ko kay Zeus na buhat-buhat ang bwes*t na palaka.

Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil para saan pa? Kung parang mas naniniwala naman siya sa nakita niya at sa mga pinagsasabi ng palakang impakta.

Akala ko ay sa pelikula sa dati kong mundo ko lamang makikita ang mga ganitong eksena yung gagawa ng eskandalo ang kontrabida tapos ibebentang niya sa iba pero heto ako at sa akin pa talaga ng yari ang ganito na siyang pinakaka ayaw ko sa mga pelikulang napapa nood ko.

Subalit hindi naman pala ako katulad ng mga bida sa mga napapanood ko noon na iiyak at mag mamakaawa na siya ang dapat paniwalaan sapagkat isa pala akong dakilang mabait na hindi idinadaan sa iyak at salita ang gusto kong ipaliwanag.

Nasa galaw ko ang bawat paliwanag na gagawin ko.

"Hahahaha."

Hindi ko talaga mapigilang tumawa hindi dahil sa saya kundi dahil sa mga ka hunghangan ng Prinsipeng buhat-buhat ang palaka na hindi nakaligtas sa akin ang pag ismid nitong nakatingin sa akin.

Akala ko ay kilala na ako nitong itlog na ito kahit sa maliit na bahagi lamang ng buhay ko pero nagkakamali pala ako dahil kahit hindi ako magpapaliwanag sa kanya ay alam kong hindi talaga siya maniniwala sa mga sasabihin ko.

Napangisi ako dahil sa kaignorantehan ng dalawa sa aking kakayahan.

Hindi ko akalain na makakalimutan nila kung ano ang hitsura sa mga nagagawa kong mga pinsala.

O baka minamaliit talang talaga nila si Miragh ng husto.

Kita ko ang pamumutla sa mukha nilang dalawa lalo na ang palakang buhat-buhat ng Prinsipeng tanga at hindi ko alam kong bakit umatras din ang ibang mga taong nakapalibot sa amin at himala yata dahil natigil na sila sa kanilang kakabulong at kakasalita ng mga wala namang kwenta.

Baka kasi kung hindi pa sila titigil sa mga masasamang pinagsasabi laban kay Miragh ay baka hindi ako mag dadalawang isip na putulan sila lahat ng mga dila.

Inihakbang ko ang aking mga paa at dahan-dahan akong nag lakad papalapit sa kanilang dalawa at dahil nasasabik ako sa aking gagawin ay hindi ko na mapigilang mapasipol habang may nakaukit na napakagandang ngiti sa aking mga labi.

Ughhhh!!parang pinapasaya niyo talaga ang araw ko ngayon, mga taong hunghang.

"A-ano ang g-gagawi-..."

"Shhhhh."

Mabilis agad akong nakalapit sa harap ng Prinsipeng tanga at agad kong inilagay sa kanyang labi ang aking hintuturo upang pigilan ito sa pag sasalita.

Gusto ko nang tahimik kaya huwag nilang subukang mag ingay para hindi ako ma bwesit ng husto sa kanilang dalawa.

Narinig ko din ang singhapan nang iba sa nakakita sa akin at lalo na ang kanilang mga sinasabi na bakit at paano ko daw nagawa ang bagay na iyon dahil para daw akong hangin sa sobrang bilis na nakalapit agad sa dalawang taong sarap isako.

Pero binabaliwa ko nalang ang kanilang mga bulungan dahil sa dalawang taong nasa aking harapan.

Tinignan ko ang palakang Quinta na kapantay ko lang ang kanyang taas habang nasa bisig parin ito ng Prinsipeng hunghang at binigyan ko ito ng aking isang napakatamis na ngiti na mas lalong ikinawala ng dugo sa kanyang pagmumukha at tila tumigil narin yata ang dugo na lumalabas sa kanyang bibig o baka nalunok na niya ang lahat ng ito.

Pagkatapos ko nginitian ang palaka ay tiningala ko naman ang Prinsipe at siya naman ang binigyan ko ng aking matamis na ngiti habang tahimik lamang itong nakatingin sa aking mga mata na may pagkalito at pagtatanong na aking nababasa na ipinagsawalang bahala ko lamang iyon.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now