ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1

2.5K 96 2
                                    

[ = Miragh = ] :

Pa baling-baling ako dito sa aking kinahihigaan dahil sa hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina.

Sino naman kaya ang may pakana sa enerhiyang itim na iyon.

Kahit maganda ako pero hindi naman ako abnormal na hindi alam ang nangyayari sa aking paligid.

Mag mula nong pinigilan ako ng damuhong lalaki na hambalusin ang pagmumukha ni Quinara at Walanda kaninang umaga ay iba na ang pakiramdam ko sa buong paligid.

"Wife!! Don't. Just wait for me."

Bigla ako natigilan at nawala ang lahat ng galit na nararamdaman ko ng marinig ko ang isang magaang boses sa aking isipan na tila pinapahinahon ako.

"Where are you?"

Nasaan ba ang dragon na ito at bigla bigla nalang nagpaparamdam.

"Watching you from afar. I miss you so much my wife."

Hindi ko alam at bigla nalang akong napangiti at agad ginamit ang aking mahika upang maglaho sa harapan nina Zeus at Quinta.

Pumunta agad ako sa likurang bahagi ng Akademya at balak na sanang lumabas ngunit agad ako nakakaramdan ng kakaiba na ikinatigil ko.

"What happened? Are you okay wife?"

Hindi ko alam pero parang kusang nararamdaman ng aking katawan na parang may darating na kababalaghan kaya tahimik lang ako at hindi sinagot ang tanong nong damuho habang ipinikit ko ang aking mga mata upang hanapin ang Enerhiyang kakaiba na raramdaman ko.

"Hindi mo ba naramdaman ang enerhiyang iyon?"

Kalmadong pagtatanong ko sa kanya kahit parang may kakaiba ng reaksyon na ang aking katawan.

Parang nag liliwanag ito na kulay ginto at kahit naka pikit ako ay kitang kita ako enerhiyang nakapalibot sa akin lalo na don sa Enerhiyang papalapit sa Akademyang ito.

"Sh*t wife, I'm sorry but you have go back to your dorm and make a barrier for your own safety. And we'll meet later after this."

Nataranta niyang sabi at agad nawala ang kanyang presinsya sa aking isipan.

Napa dilat ako dahil sa pagkamangha dahil kakaiba din siya na kahit ipinikit ko ang mga mata ko kanina upang hanapin ang lahat ng enerhiyang malapit sa akin ay ang sa kanyang lang ang hindi ko makita-kita pero naramdaman ko naman ang presinsya niya sa aking isipan sa tuwing kina kausap niya ako.

Bangis din ah.

Napapangiti nalang ako sa kanyang pagka misteryoso at agad ng laho upang pumunta agad sa aking dorm hindi dahil sa natatakot ako para sa kinahinanatnan ng aking sarili dahil sobrang lapit na nang enerhiyang itim kundi natatakot ako para sa dalawang alalay ni Miragh.

"Ayyyy!! Prinsesa Xhandria naman eh, bakit po ang hilig niyo sumusulpot bigla bigla."

Aba'tttt kailan pa ito natotong magalit sa akin at mag salita ng ganito.

Ibalibag ko kaya itong baliw na Radya na ito palabas ng bintana ko sa dorm.

Sinamaan ko agad siya ng tingin at dali-dali naman itong tumayo at inilagay ang isang tela na kanyang tinatahi sa maliit na mesa pagkatapos ay ngumiti sa akin.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now