ZTUP S1 - C H A P T E R : 37

4.9K 252 173
                                    

[=Miragh=] :

Bwesit na Prinsipeng masama ang ugali sarap isako.

Napaka hangin kala mo naman ay mahuhumaling talaga ako sa kanyang pag mumukha.

Oo, aaminin kong napaka gwapo talaga niya pero dahil sa masama ang kanyang pag uugali ay mukha na siyang itlog sa aking paningin na sarap lamutakin.

Pshhhh!!! Nakakiinis talaga siya.

Ka lalaking tao napaka maldita.

Nag tuloy-tuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa medyo tagong bahagi nang harden nang Akademya.

Gusto ko muna mapag isa at para makapag isip-isip din ako sa mga susunod kong gagawin.

Kahit nakaramdam na ako ng gutom ay ayaw ko munang pumunta sa Cantena dahil alam kong nandon ang itlog at ang Arinola at baka gawin kong sabaw ang Arinola nayon sa itlog pag mabwesit ako ng husto sa kanila.

Gusto ko rin talaga muna mapag isa sapagkat sa nababahala parin ako dahil magpa hanggang ngayon ay hindi parin nag paramdam si Miragh at Niavh sa aking isipan.

Mas lalo ako nababahala dahil hindi ko alam kong paano ko sila makita at makausap.

Napakahirap talaga yung wala kang magawa maliban sa mag hintay na lamang.

Nakaka inis, nakaka baliw at nakaka wala nang lakas.

Pagkarating ko sa gusto kong tambayan ay agad akong umupo sa damuhan nang makita ko ang magandang pwesto.

Napapalibutan ito nang mga nag tataasang palumpong ng mga bulaklak at may isang malaking puno rin sa aking likuran na ginawa kong sandalan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kalamigang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.

Sana ganito nalang lagi ang buhay, mapayapa at tahimik.

Medyo may kataasan narin ang sikat ng araw pero hindi naman ako natatamaan sa tulong ng mga makakapal na dahon ng punong aking sinandalan.

"Bruha, asan ka naba?"

Sinusubukan kong kausapin ang bruha pero wala paring sumasagot sa aking isipan kahit ilang besis ko na siyang tinatawag.

"Miragh, ayos ka lang ba?"

Iminulat ko ang aking mga mata ng wala rin akong nakuhang sagot mula kay Miragh.

Ano ba ang nangyari sa kanila.

Ayos lang kaya sila?

Napa tuwid ako nang upo at sasambunotan ko na sana ang aking buhok nang may narinig akong nag sasalita sa aking gilid.

"Hindi pa rin ba maayos ang iyong pakiramdam? Kailangan mo ba nang kausap?"

Napatingin naman ako sa lalaking nag sasalita at kita kong siya rin pala ang lalaking nag bigay ng panyo sa akin.

"Ano ang ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na nandito ako? Bakit bigla-bigla ka nalang sumu-sulpot? may lahi ka bang kabuti? Ano ang iyong pangalan? Saan ka nakatira? Sino ang iyong mga magulang? Ano ang pangalan ng iyong mga kapatid? Ano pangalan ng inyong pusa...."

"Hahahaha. Hinay-hinay lang mahina ang iyong kalaban."

Agad ko siyang pinaningkitan ng aking mga mata ng putulin nito ang aking mga tanong.

Gwapong bastos rin pala ang isang ito.

"Mag kano ang iyong edad?"

"Wahahahaha."

Napabusungot naman ang aking mukha nang mas malakas pa itong tumawa ng muli akong nag tanong.

Ano ba ang problema ng isang ito.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now