ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8

5.6K 305 35
                                    

"Pag makita ko lang talaga na mag isa ang Walanda na iyon ay tutunawin ko ang ilang balat niya sa kamay. Ang sakit talaga ng mukha ko huhuhu."

Kanina pa ito si Jelliene salita ng salita ng kung ano-ano mag mula nong makalabas kami sa aking dorm.

Hinayaan ko lang siyang mag ingay na hinaluan niya ng kaunting iyak para ma sulit niya ang pag emote niya.

Bakat pa kasi sa kanyang pisngi ang palad nong babaeng baboy hanggang ngayon.

Pulang pula parin ito dahil hinaluan pala ng mahika ang pagka sampal sa kaniya.

Buti nalang pala at siya ang nasampal at hindi ako dahil baka masira pa ang beauty ni Miragh

Owwwwchhhhh talaga yun pag ganon.

Hindi ko din naman kasi magamot pag nangyari iyon dahil sa wala nga akong mahika.

Diba? Diba?

Ang saklap lang talaga.

Hindi ko rin maintindihan itong babaeng nasa tabi ko kung bakit ayaw niyang kalabanin ang baboy nayon kahit may mahika naman siyang asedo.

Pwede naman niya tunawin ang lahat kasama na ang mga alagad nong babaeng iyon para walang ma iwang ebidensya.

Pag ako talaga magkarun ng mahika ay merun na talaga akong matatawag na mahika sa aking sarili.

Hehehe, kala niyo kasamaan ang iniisip ko, ano?

Mabait kaya ako dahil kakatayin ko lang sila kung sakali man.

Sayang lang at wala ako non.

Iniiling iling ko nalang ang aking ulo dahil sa hindi ko talaga maintindihan itong si Jelliene.

Napaka temang at napaka duwag.

Hindi nalang ako nag bigay komento sa kanyang kakadaldalan at nakinig nalang ako dahil baka ma kurot ko lang ang bagang niyang ngipin dahil ang tapang niya lang pag wala ang kanyang kalaban sa kanyang harapan.

Nandito kami ngayon at binabay-bay ang daan patungong gusali para sa susunod naming klase para sa Kapangyarihan at Mahika.

Hindi ko alam kung ano ang pinag kaiba sa dalawang yan basta ang pagkaka alam ko ay parang pareho lang naman kasi.

Baka pauso lang siguro nila dito para choyy.

Iba na ang suot namin ngayon na mas gusto ko kaysa don sa mga nag tataasang damit.

Dahil isa itong pantalon na medyo maluwang ang mula balakang hanggang sa ilalim ng tuhod at pasikip na ito hanggang sa buko buko ng paa.

Para siyang swagger na sinusuot nong mga peleng hip-hoper sa dati kong mundo.

Medyo maitim na kayumanggi din ang kulay nito.

( 👇 Photo not mine. Cttro:)

 Cttro:)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now