ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9

5.1K 247 25
                                    

Nandilim ang paningin kong naka tingin sa scroll dahil mula sa 100,000 na numerong naka guhit dito ay biglang naging -0 na lamang na alam kong mas mababa pa kaysa simpleng 0.

Ang mahika at kapangyarihan ay pareho talaga ang naka guhit.

Dahil sa inis ay pahagis ko itong ibinigay sa maestrong nakatulala parin hanggang ngayon dahil siguro sa pang bubudol ng scroll na niya.

Sabi na eh peke talaga ang scroll na iyon sana pala hindi na ako nagpa uto pa sa sukat-sukat na yon.

Kainis amp...

Bakit ba kasi sa akin pa inubutan ng pagkasira at hindi don sa mga na una.

Sa hitsura pa lang kasi non sa sobrang luma na ay hindi talaga malabong masira ang pekeng scroll na iyon.

Pairap ko nalang na hinawi ang aking hubok at bagot na humahalipkip habang nag hihintay sa sasabihin nong matandang maestrong naka tulala parin sa aking harapan.

Ano bayan, ang tagal naman niya maka get over sa nangyari eh wala namang nakaka gulat doon.

Sarap talaga niya begwasan para matauhan amppp..

"Hahahaha sabi na eh wala ka talagang kwenta Prinsesa Zemiragh."

"Lakas pa ng loob tumayo hahahaha."

"Akala mo naman ay may mahika talagang tinatago."

"Kahit ang pang indibedwal na kapangyarihan ay ipinagkait pa talaga sayo hahahaha."

"Mas masaklap kapa sa salitang saklap."

"Wahahahahahaha."

Tawanan at pang-uuyam ng mga estupidyante pagkatapos ng ilang segundong katahimikan dahil sa nangyari.

Naksss!! Nag effort pa talaga silang mag sisigaw sa akin.

Lasunin ko kaya silang lahat bilang papasalamat sa kanilang pinag sasabi.

Duhhh!!! Ang ganda ko talaga.

Bweeesssiiiittttt!!!

Pinag kibit balikat ko lang ang mga pangungutya nila dahil alam kong wala naman silang maibubuga kung mag sapakan nalang kami na walang gamit na mahika.

"Ahhhhhh- p-pasensya na Prinsesa Zemiragh, ahhmmm... Uulitin nalang natin ang pag susukat ng antas ng kapangyarihan at mahika mo sa susunod at sa ngayon... Ahhh.. b-bakal na Tsapa nalang muna ang ibibigay ko sayo."

"Wahahahahaha.. bakal."

"Hahahaha."

Hindi ko alam kung abnormal ba talaga ang mga estupidyante sa Akademyang ito o may saltik lang sa utak.

Tumawa ba naman silang lahat pagkatapos mag salita nong matandang maestro at ibigay sa akin ang tsapa-tsapa kuno.

Ano ba ang nakakatawa sa sinabi nong maestro.

Nag joke ba siya?

Matino lang ba talaga ako kaya hindi ko gets at hindi ako maka relate sa kanila?

Aisshhhhh!!!! Bahala sila sa buhay nilang puro kabaliwan basta ang importante ay tapos na ako sa mga kagagohang pinaggagawa sa akin nong maestro.

Taas noo akong nag lalakad pabalik sa kinauupuan ko kanina at pa ngiti-ngiti na tila walang nangyari.

Sa bawat nadadaan kong mga upuan ay lumalakas ang tawanan at pangungutya nila sa akin maliban lang don sa Prinsesa kaninang na una.

Matino din siguro siya tulad ko dahil hindi rin niya gets ang ang joke ng maestro kaya hindi siya na tawa.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now