ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8

3.3K 200 49
                                    

[ = Miragh = ] :

Lukot na lukot ang mukha ko habang nag lalakad dito sa likuran ng Akademya.

Mga adik talaga. Nag mukha na tuloy akong ginahasa ng sampong taon sa hitsura ko ngayon.

"Hahahaha."

"Huwag mo ako tawanan kung ayaw mong mawalan ng kinabukasan."

Isa pa itong lalaki na ito.

Magmula nong may nangyaring kababalaghan kanina ay kanina niya parin ako tinatawanan at kinakausap sa aking isipan.

Lalo na dun sa mga pinaggagawa sa akin ng mga adik na mga estupidyante at sa halip na tulungan ako nito ay tinawanan lamang ako.

"I can't yet enter to your school for now, wife."

"Yeahhh!! Yeahhh!! Whatever."

Hindi ko alam kung bakit hindi siya makapasok at lalong hindi ko alam kung bakit ako nag lalakad dito sa likod ng Akademya para lang makipag kita sa kanya.

"Pfffftttt cute."

Napaikot ko nalang ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi at bakit tila biglang umiinit ang paligid dahil pakiramdam ko ang init-init ng pisngi ko.

Ano ba yan baka masunog pa ang balat ko sa sikat ng araw kahit puro nag tataasang puno naman dito.

"I'm not cute. I'm a Goddess."

"And you are mine."

Napahinto ako sa paglalakad at bigla napahawak sa aking tyan.

Putakte!! Nagugutom na yata ako dahil parang may nag pa-party na mga hayop sa loob ng tyan ko.

Napailing nalang ako dahil ang mabilis ko magutom at nagpatuloy sa paglalakad habang naririnig ko sa aking isipan ang mahinang tawa nong unggoy na lalaki na para bang natatae.

Petengene! Bakla ba ito? Bakit ramdam ko sa kanyang tawa na para siyang bulate na binudburan ng asin dahil sa kilig.

"Hoyyy!! Unggoy na bakla. Asan ka ba? Bakit kaya hindi nalang ikaw ang lumapit sa akin at magpakita. Pinapagod mo ang kagandahang taglay k-.."

"What did you call me, mmhhh?"

Halos matumba ako ng bigla nalang siya sumulpot sa aking harapan at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng sobrang lapit namin sa isa't-isa at tila nakukurenyente ako sa braso niyang nakahawak sa aking bewang.

"A-ano kaba? Bakit b-bigla ka nalang sumusulpot. May lahi kabang kabute na may mahikang kuryente?"

Tapang-tapangang singhal ko sa kanya at pilit siya tinutulak palayo at kita ko sa kanyang natatakpang mukha ang pagkunot ng kanyang noo pagkatapos ay sumingkit ang kanyang mga mata hindi dahil sa galit kundi ramdam ko na tila na sisiyahan siya sa aming sitwasyon ngayon.

Para siyang si Pikachu na nag kame-hame wave.

"Don't change the topic wife."

"Anong topic-topic ang pinagsasabi mo? Kailan pa ako nag turo?"

Kabute na nga adik pa.

Ano tingin niya sa akin guro na may topic-topic?

"Don't play naive, my wife or I'll make sure that the lips of yours will be swelling from my kisses."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na tinakpan ang aking bibig.

Walanjoo!! Kumperma. Adik nga at gusto pa niya lamutakin ang mga labi ko.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1On viuen les histories. Descobreix ara