ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1

4.7K 232 38
                                    

[=Nexzeuss Lawrence=] A:

Hindi malaman ng Prinsipe kung ano ang gagawin niya sa babaeng sumisinghot parin ng sipon hanggang ngayon.

Matapos mailigtas ang mga babae sa kamay ng mga bandido kanina ay sinabihan niya ang mga ito na sumunod sa kanya upang maihatid sa isang gusali ng bayan kung saan nandon ang isa sa sampong Opisyal sa Kaharian ng Llum.

Sumunod naman sa kanila ang babaeng naka maskara na hinayaan nalang niya dahil wala naman itong ginawang masama isa pa malaki rin ang naitulong nito sa kanya kanina kahit isa itong baliw.

Ang mga Opisyal ang mga nangunguna pagdating sa mga regulasyon at panuntunan sa buong Kaharian.

Sila din ang Tagapag payo sa Hari sa bawat gagawin nito sa mga mamamayan pero nasa Hari parin ang buong kapangyarihan kung ano ang gusto niyang gagawin at naisin.

Basta hindi ito masyadong nakakasalungat sa mga ideya ng mga Opisyal na ang kagustuhan ay para lamang sa ikabubuti ng buong kaharian.

Kaya niya dadalhin ang mga babaeng nailigtas niya o nila kasama ang babaeng iniiyakan ang prutas ay dahil ang isang Opisyal na pupuntahan nila ay ang Opisyal para sa katarungan.

Tsaka na niya pupuntahan ang Opisyal sa tagapagparusa para don sa mga bandido.

Ang sampong Opisyal ay merun tungkuling naka patong sa kani-kanilang mga balikat.

Ang unang Opisyal ay ang Tagapag Payo.

Pangalawa ay ang Tagapagparusa na siyang nag bibigay parusa sa mga mamamayan na may ginawang pag labag sa panuntunan sa ilalim ng kahariang Llum.

Pangatlo ay ang ingat-yaman o ang nag babalanse ng mga yaman sa buong kaharian.

Pang apat ay kalihim na siyang sumusulat sa bawat kailangan o sa mga nangyari sa buong kaharian.

Pang Lima ay Taga-ulat na siyang nagpapa alam sa bawat pangyayari sa buong kaharian.

Pang anim ay ang katarungan na siyang nagbibigay katarungan sa inaapi o sa mga mamayan na may masamang nangyari.

Pang pito ay Pandigma na siyang humahawak o nag sasanay sa mga kawal sa kaharian ng Llum.

Pang siyam ay Opisyal sa armas, siya ang humahawak, kumikilatis o dumaan muna sa kanya ang lahat ng armas na ipapasok sa kaharian ng Llum. Siya din ang nagbibigay at nag aabot nito sa lahat ng mga kawal sa buong kaharian.

Pang sampo ay ang Opisyal sa kalinisan.
Siya ang nagpapatupad sa kaayusan at kalinisan sa buong kaharian.

Siya din ang nagpapatupad sa bawat galaw ng mga babae bilang isang mabuting asawa.

Mabuting babae sa lahat ng lalaki.

Masunurin sa lahat ng gusto ng mga lalaki at maging isang mahinhin na siyang pangunahing tuntunin para sa mga babae.

Kahit hindi niya gusto ang huling Opisyal ay wala siyang magawa sapagkat hindi pa siya ang nakaka upo bilang isang Emperador sa kaharian ng Llum.

Dahil sa panuntunan ng pang sampong Opisyal ay tila naging iba ang kahulugan sa salitang mahinhin.

Parang naging kasalungat na ito sapagkat gusto nang gawin ng mga babae ang lahat para makuha lang ang atensyon ng mga lalaking nasa dugong bughaw o nasa mayaman na pamilya.

Ang mahinhin na galaw ay siyang ginagawa nila para makuha ang loob ng mga lalaking kanilang gusto.

Mahinhin itong sumusunod sa lahat ng gusto ng mga lalaki kaya niya kinasusuklaman ang ganong mga pag uugali ay dahil para sa kanya hindi ito ang tunay na mahinhin bagkus isa itong magaspang na pag uugali na itinatapon na ang sarili sa lalaking kanilang na ibigan.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1On viuen les histories. Descobreix ara