ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6

3.7K 228 61
                                    

[= Someone =] :

"Hindi niyo ba talaga nakita o nalaman kung sino ang taong tumulong sa mga taong nasa nayon ng kaharian ng Wrofupis?"

"Ipagpaumanhin niyo po aming Kamahalan pero hindi po namin nakita ang kanyang pagmumukha mukha sapagkat nakatalukbong ito at may telang naka takip mula sa kanyang ilong pababa."

Napaisip ako sa sagot ng isa sa aking tauhan dahil papaano niya nagawang maka takas sa dami ng aking mga tauhang pinasundan siya.

Noong nakaraang araw ng mabalitaan naming may balak na namang sasalakaying nayon ang mga taong ganid sa mahika at kapangyarihan ay hindi agad ako nag atubiling puntahan namin ito upang tulungan at iligtas ang mga naninirahan doon kaso hindi ko akalain na mahuli kami ng ilang minuto.

Nakita nalang namin na maraming patay na mga lalaking nakatalukbong at walang damit na pang itaas na alam kung mula ito sa mga taga barbaroa na naging mga Bandido.

Mga taong handang pumatay at sumunod sa kahit anong utos basta may kalakip na salapi.

Ngunit hindi man lang nila nagalusan ang mga taga nayon sapagkat nasa loob ng isang napakalaking bolang hangin ang mga ito at nasa unahan naman nila ang taong nakatalukbong na tila pinoprotektahan sila laban sa mga Bandido.

"Kumusta na ang mga taong nanirahan doon?"

"Nasa maayos na po silang kalagayan aming Kamahalan at nagpapasalamat po sila ng marami dahil sa iyong tulong."

Tumango lamang ako habang nakatingin sa isang binatana dito sa loob ng aking silid pulongan.

Iniisip ko parin ang tao na iyon dahil hindi ko akalain na magagawa niyang protektahan ang mga taga nayon laban doon sa mga taong may dalang itim na bola na nag lalaman ng itim na mahika.

Alam kong kahinaan ng mga taga Llum ang mahika na iyon pero tila hindi man lang siya na apektuhan at ang mas nakakapag taka lamang ay bigla nalang naging parang buhangin ang mga katawan ng mga Bandido at inilipad ito sa hangin at kahit ang bakas ng dugo ay bigla rin nawala.

Nakita ko ang kanyang mga mata na nagbigay kilabot sa akin hindi dahil sa magka iba ang kulay nito kundi dahil sa emosyong nakapalibot dito.

Emosyong puno ng poot at galit at sa hindi malamang dahilan ay bigla ako napaatras kahit ang aking mga tauhan ay hindi kayang maka galaw sa kani-kanilang kinatatayuan.

Ngunit ng bigla siyang nawala ay doon lamang kami na alarma.

Pinasundan ko siya sa aking mga tauhan pero kahit gaano sila ka rami at kabilis ay hindi parin nila ito na abutan.

Dinala nalang namin ang taga nayon sa aking kaharian.

Binigyan ng tirahan at makakain dahil alam kong babalikan ulit sila pag nanatili pa sila doon.

Napabuntong hininga ako dahil mas dumarami na yata ang aking mga iniisip.

Isa pa hindi ko parin matukoy-tukoy kung nasaan na ang katawan ng aking kapatid.

"Maari na kayong umalis at gawin ang mga gawaing nakatakda sa inyo lalo na ang pagmanman sa mga taga Llum at sa mga taong gumagamit ng itim na mahika."

"Masusunod po aming Kamahalan."

Tumango lamang ako sa kanila at napahilot ako sa aking sintido dahil sa mga iba't-ibang problema sa mundong ito na sana ay hindi hahantong sa malaking gyera.

Pagkalabas ng lahat ng aking tauhan sa silid pulungan ay tumayo ako at ginamit ko ang aking mahika upang maglaho at agad makapunta sa trono ng aking kapatid.

Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang bolang umiilaw na nakalutang sa kanyang upuan.

Nilapitan ko ito at pinagmasdan ang kagandahang taglay nito.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now