ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7

5.6K 248 24
                                    

"Ano ang gusto mo kainin Prinsesa Zemiragh, ako nalang ang kukuha para sayo." Nakangiting tanong nong babaeng nag ngangalang Jelliene na kaibigan ko daw siya sabi niya.

Paladesisyon din ang mga nilalang dito eh.

Kahit ano-ano nalang ang lumalabas na salita sa kanilang kweba na parte sa kanilang mukha.

Nandito kami ngayon sa Cantena upang mananghalian dahil kakatapos lang ng el'kiti-kiti blah blah naming klase na wala namang kababalaghang nangyari.

Kung hindi lang siguro puro pagpakilala ulit ang ginawa namin kanina dun sa klase ay baka hindi ko malaman kung ano ang pangalan niya.

Wala naman akong pakialam kung may gustong makipag kaibigan kay Miragh.

Mas mabuti narin yon para mabawasan ang may ayaw sa kanya na baka maging kaaway ko.

"Isang platong kanin, maraming karni ang gusto kong ulam, dalawang klaseng panghimagas at isang basong katas ng ubas."

Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa kanya dahil nanlaki talaga ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko.

May kamag-anak din pala si Radya dito sa paaralang ito. Di naman lang niya sinabi agad.

Magsasalita na sana ito pero agad ko siya pinangunahan at sinabihan ko na gutom na ako kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumango nalang kahit may hindi paninigurado sa kanyang pagmumukha kung tama ba talaga ang inutos ko sa kanya.

Binabaliwa ko lang siya dahil kanina pa ako nagugutom sapagkat tinapay at tsaa lang ang umagahan ko kanina tapos ang dami pang mga kababalaghang nangyari na ikinaubos ng Enerhiya ko.

Habang nag hihintay kay Jelliene ay itinukod ko ang aking mga siko sa ibabaw ng lamesang aming napili tapos sinalo ko ng aking dalawang kamay ang aking baba habang nakatingin sa ibang mga kumakain.

Mas marami na ngayon ang kumakain lalo na at may mga lalaki na akong nakikita.

Kanina din sa el'kiti-kiti blah blah na iyon ay merun ding mga lalaki na naka halo kaso parang naging dalawang pangkat tuloy ang sistema dahil nasa magka ibang bahagi ang upuan ng babae at lalaki.

Sobrang dami din namin kanina sa klaseng iyon at hindi ko pa nga alam kung ilang silid ang bawat klase at ilang mga estudyante ang nasa bawat silid.

Kaya rin siguro dalawang oras ang tanghalian dahil sa hindi magkasya ang lahat ng mga estupidyante dito sa loob ng Cantena.

Sa kakatingin ko sa mga estupidyante sa paligid ay hindi ko mapigilang mapairap ng may nakita akong hayagang naglalandian na akala ko ay wala sa panahong ito dahil ika nga makaluma ang estilo at tradisyon pero parang dito din pala yata nag simula ang tinatawag na PDA o 'Palamas Daw ng Ano'.

Wala namang pakialam ang iba at ang iba ay nakita kong nagbubulungan habang naka tingin sa akin na akala mo ay ako ang gumagawa ng kababalaghan.

Inirapan ko lang sila at inilipat ang aking tingin sa isang grupo na pamilyar sa akin habang nagtatawanan.

Ang mga kakalase ko lang pala sa dalawang paksa dahil nandon si Puma na panay ang irap sa akin na binigyan ko lang ng isang matamis na ngiti na mas lalong ikinairap niya.

Hahaha!! Asar talo talaga ang Puma na iyon.

Hindi ko mapilang mapabungisngis dahil kay Puma pero bigla naman ako napatigil at napa angat ang tingin sa babaeng nakatayo sa aking harapan habang may dalang mga pagkain.

Akala ko si Jelliene pero hindi pala.

Napataas naman ang isang kilay ko habang inalis ko ang pangalumbaba at humahalipkip ng medyo padabog niyanv inilagay sa aming mesa ang pagkaing dala niya habang nakikita ko sa kanyang mukha ang inis.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon