ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8

4.9K 248 64
                                    


Naglalakad ako ngayon pabalik sa aking dorm dahil parang mas gusto ko nalang matulog.

Kakatapos ko lang din mag liwaliw sa ibang bahagi ng Akademya dahil sa wala din naman akong magawa habang kasama sina Jelliene na malantod at si Farina na temang na nag babangayan sa hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil sa may sarili din akong mundo.

Malapit narin mag tanghalian pero wala akong ganang kumain sa ngayon isa pa wala din namang pasok kaya pwede ako kumain kahit anong oras ko gustohin pero mas pipiliin ko muna ngayon ang humilik.

Ito din ang huling araw sa pasukan ngayong linggo o sa madaling salita ay araw ngayon ng byernes at bukas ay pweding lumabas ang mga mag aaral papuntang bayan para makapag libang kaya sabik na rin akong mag libot bukas sa bayan para mang dukot ng pitaka.

Bakit ba kasi ang hirap maging Prinsesa sa mundong ito, wala man lang ka pera pera.

Tsssss!!!!!

Sabado at hanggang linggo ang walang pasok kaya may balak din akong libutin ang bayan bukas para makahanap ng tamang pwesto para sa naisip kong negosyo at para makita ko kung ano ang pwede kong ebenta dito na galing sa dati kong mundo.

Pero mang didikwat talaga muna ako ng pera kung saan sapagkat naghihirap talaga ako ngayon dahil sa ka walangyaan ni Lucifia.

Kong may google lang sana dito baka mahanap pa ang pangalan ko bilang The broken and poorest Princess of all time.

Sarap umiyak ng popcorn.

Puntae talaga, akala naman ng Lucifia na iyon ay madadala niya sa kanyang libingan ang kanyang kayamanan na kung tutuosin ay galing din naman ito sa pamilya ni Miragh.

Nakakapanggigil talaga, sarap niya gawing papaitan.

Nang malapit na ako sa pintuan ng aking dorm ay namataan ko si Navah at Radya na nasa labas na tila hinihintay nila ang aking pagdating.

Napakunot ang noo ko kung ano na naman kaya ang kagagohang pinag gagawa ng dalawang ito.

Parang mga biik, ikot ng ikot sa kanilang pinipwestuhan.

Nang makita nila akong papalit sa kanilang pwesto ay mabilis naman silang naglakad pasalubong sa akin.

"Ano na namang kagagohan ang kailangan niyo sa akin?"

Napangiwi naman si Navah sa aking pag mumura habang bakas naman sa mukha ni Radya ang pag aalala.

Bakit mukha na siyang unggoy na may diarrhea.

"Prinsesa Xhandria, narito ang iyong Ama at si Reynang Lucifia sa Akademya at kanina pa po nila ikaw hinahanap."

Naglasubong naman ang kilay ko sa mga sinabi ni Radya at nagtaka kung anong klaseng Espirito kaya ang sumanib sa dalawang iyon para pumunta dito sa Akademya.

"Si Dora ba sila?"

Baka nag dora challenge sila tapos sabay kanta ng map hack -map hack.

"Po?"

Pinaikutan ko lang sila ng aking mga mata at tamad na humahalipkip dahil hindi nila na kuha agad ang pinagsasabi ko.

Sheeezzzhhhh!! Ang Hina pu-mick up. Ampppp....

"Wala, Ano pala ang kailangan nila sa akin?"

Baliwalang tanong ko at nilagpasan sila para tuluyan ng pumasok sa silid ng aking dorm.

Inaantok na talaga ako kaya mas gusto ko nalang matulog kaysa makipag gagohan sa dalawang nilalang na may saltik sa utak.

"Hindi ko po alam Prinsesa Xhandria, pero tila parang galit na galit po si Reyna Lucifia habang ikaw ay hinahanap sa amin."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now