ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7

5K 259 52
                                    

[=Miragh=]:

Busungot ang mukha ko habang naglalakad patungong Cantena.

Kahit kaunting minuto nalang mag sisimula na ang unang klase ay wala akong pakialam dahil sa nagugutom at na bubwesit ako.

Nakakabwesit dahil ako pa talaga ang pinagkamalang baliw nong dalawang babae.

Isali mo pa yung bruhang madamot na kala mo ay matino din.

Pshhh!! Sarap talaga nila pakuluan ng suka.

Habang nag lalakad ako ay kita ko ang mga kapwa ko mag aaral na tila wala sa kanila-kanilang mga sarili at parang bangag na bangag pa ito habang nag lalakad.

Ano na naman kaya ang nangyari sa kanila?

Agang-aga nag aadik.

Napailing nalang ako sa mga kaabnormalan ng mga sa mundong ito, buti nalang ako magdadalawang matino.

Napakunot naman ang noo ko dahil parang sobrang tahimik yata nang buong paligid ngayon.

Hindi tulad noong mga nakaraang araw na sobrang sigla at ingay nila na parang mga bubuyog na nagbulungan.

Nang makapasok ako sa Cantena ay ganun din ang atmospera.

Kita ko ang iba na parang wala sa sarili habang kumakain at tulala sa kawalan.

Aba akala ko ako nalang ang natira dahil sa malapit nang tutunog ang kampana para sa unang klase pero bakit ang dami paring estupidyante ngayon dito.

Hanepp ahhh!! Uso talaga dito ang pagbubulakbol.

Kumuha nalang ako ng aking pagkain at dumiritso sa mesa nina Jelliene nang makita ko sila na parang temang din na tulala sa kawalan at hindi ginalaw ang kanilang pagkain sa kanilang harapan.

Ano kaya ang reaksyon nitong babaetang ito pag sisigawan.

"May gwapong naka hubad Jelliene!!!!"

Pagkatapos ko sumigaw malapit sa kanyang tenga ay humila ako ng isang bakanteng upuan at umupo habang nilagay ang aking pagkain sa mesa.

"Asan, asan ang gwapong hubad?"

Nalukot naman ang mukha ko ng tarantang tumayo si Jelliene at halos mabali ang leeg sa kakaikot nito.

Si Farina naman ay nabitawan nito ang kanyang kutsara at naka nganga.

Yung totoo mala Maria clara ba talaga sa panahon nila dito o mala malalandi.

"Nasa imahinasyon mo Jelliene. Kakadiri ka talaga."

Kita ko naman ang pagtingin nito sa akin at napungoso bago bumalik sa kanyang pagkaka upo.

Inirapan ko nalang ito at nag simula ng kumain pero pansin ko na tulala parin si Farina na ikinakunot ng aking noo.

"Anyare sa babaetang iyan? At parang nahawaan na yata sa katimangan mo."

Tinignan naman ni Jelliene si Farina na ininguso ko at bumuntong hininga.

Problema ng mga ito.

Pagka lipas ng ilang segundo ay parang siya na naman ang mag sisimula ng matulala.

Ayyyy!!! Walangjoooo!! Sino na ang sasagot sa tanong ko kung pareho na silang may rabies.

"Sigi subukan mong matulala at tutusukin ko talaga yang mga mata mo."

Inis na sabi ko dahil sa halip na sumagot ay para na namang napipi ito.

Putulan ko nalang kaya siya ng hintuturo para tuluyan ng hindi makapag salita.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now