ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9

3.8K 239 110
                                    

[=Ellezbeth=] :

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nangyari ang kaguluhan sa pagitan nina Prinsesa Zemiragh, Prinsesa Quinta, binibining Ahrimita at ni binibining Walanda at sa grupo nito.

Ang nakakapag taka lamang ay tila may kaunting pag babago sa ugali ni Prinsipe Lawrence o hindi lang kaunti kundi malaki talaga dahil kahit kailan ay ngayon ko lang ito nakitang nakipag asaran at laging naka bantay sa isang babae na walang iba kundi si Prinsesa Zemiragh na parang wala namang pakialam sa paligid dahil kumakanta lamang ito.

"Kung liligaya ka, sa nguso ng iba.♪"

Hindi ko alam kung para saan at para kanino niya ito pinapahiwatig dahil ramdam ko ang lungkot ng kanyang tinig habang kumakanta.

Kita ko ang pagpikit-pikit niya habang naka hawak ang kanyang isang kamay sa kanyang dibdib at ang isa naman ay nasa iri na para bang may inaabot.

Ngunit hindi pamilyar sa akin ang liriko ng kanyang kinakanta at kita ko rin ang pag ngiwi ng iba hindi lang dahil sa sintonado niyang boses na pinakulot-kulot pa niya sa dulo kundi dahil sa liriko nito na medyo masagwa.

"At kung ang langit mo, ay ang mga suso niya-ahhh!♪♪."

Napakagat labi nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ko sa kinakanta niya dahil parang ang sama naman kung patigilin ko siya dahil sobrang lungkot talaga ng kanyang boses at damang dama pa talaga niya ang pag kanta.

"Tututol ba ako, kung ka gustuhan mo♪♪."

Kawawa naman si Prinsesa Zemiragh dahil parang dumaan talaga ito sa isang napakasakit na pag-ibig dahil pumipoyok na ang kanyang boses habang medyo umiiyak.

Kita ko rin ang iwas ng tingin ng iba sa kanya habang si Prinsipe Lawrence naman ay napa kunot noo habang naka titig ng mariin kay Prinsesa Zemiragh.

Nandito kami ngayon sa Cantena at kumakain habang nasa isang mesa naman sa hindi kalayuan si Prinsesa Zemiragh na kumakanta at parang kakatapos lang nito kumain.

Ang dalawang kasama naman nitong mga babae ay hindi alam ang gagawin kay Prinsesa Zemiragh na nasa kanilang harapan at para bang sila nalang ang nahihiya sa ginagawa nito dahil inilibot nila ang kanilang mga paningin at nang dumako ito sa amin ay napapayuko nalang sila na tila nag papahiwatig na humihingi ito ng paumanhin.

Napailing nalang si Prinsipe Lawrence at sumubo nalang ito ng pagkain na ginawa narin namin na siyang aming pinagsisihan.

"Sapat na ang minsa'y LAHIAN MO AKO♪♪!!"

Sabay naming naibuga ang aming kinakain hindi lang dahil sa sobrang tinis,sintonado at pumiyok na boses ni Prinsesa Zemiragh kundi dahil sa huling liriko ng kanyang kinanta.

Hinahampas ko ang aking dibdib dahil tila nabulunan ako at ramdam ko rin na parang pumasok yata sa aking ilong ang ibang kanin na aking kinain.

Nagkagulo kaming kumakain at kita ko pa ang iba na nahulog sa upuan at ang iba naman ay nililinis nila ang kanilang mga damit at ulo dahil naliguan yata sila ng pagkain sa kanilang mga kaharap.

Umuubo ako habang nililinis ko ang aking bibig at nang mag angat ako ng tingin sa aking kaharap ay halos mawalan ng kulay ang aking mukha dahil ang dungis na ng hitsura ni Prinsesa Quinta na siyang nabugahan ko ng aking pagkain.

Ang sama ng pagkakatingin nito sa akin na para bang kanina pa niya ako pinapatay sa kanyang isipan.

Si Prinsesa Nexzia naman ay halos mangiyak-ngiyak na itong nakatingin kay Prinsipe Lawrence na siyang kaharap nito.

Sobrang dungis narin ng kanyang pagmumukha dahil sa pagkain na alam kong galing ito sa bibig ni Prinsipe Lawrence.

Napangiwi nalang ako habang tinignan ang aking mga kasama na napapangiwi habang nandidiri sa sitwasyon namin ngayon.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now