ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0

5.2K 286 61
                                    

"Akala ko ay iba ka sa mga babaeng gustong makalapit sa akin pero wala karin palang ipinag kaiba at katulad karin pala sa kanila."

Hindi ko naman mapigilang mapakunot ang noo ko nang may marinig akong boses ng isang lalaking nag sasalita sa aking likuran ng makarating ako dito sa likurang bahagi ng mga ibang mag aaral dahil narin sa utos nong babaeng Propesor kanina.

Ano ba siya gold? Ang feeling naman niya yata para pag aksayahan ko ng aking kagandahan.

Nilingon ko naman ang nag sasalita na nilalang at halos mapapa ulala naman ako sa hitsura nito.

Gintong buhok.

Gintong mga mata.

Makapal na kilay.

Makapal ang mga pilik mata.

Sobrang tangos ng ilong.

Manipis at mapupulang labi.

Makinis at maputi na pisngi.

Parang Ginto nga siyang tunay dahil kumikinang.

Grabe sino ba itong lalaking ito at bakit sobrang gwapo naman yata niya na kahit sobrang bangis ng mga mata nito kung titignan ay ito naman ang naging dahilan para mas lalo lumakas at umangat ang kanyang hitsura.

Ang serep nemen pisil pisilin. Eheeeee!!

Tinalo pa yata niya ang mga pinaka gwapo na Modelo sa dati kong Mundo.

Masarap siguro nitong lamutakin este kaibiganin.

"Alam kong gwapo ako pero hindi ako pumapatol sa kagaya mo."

Ayyyy!! May attitude si manoy!!

Binabawi ko na ang aking mga iniisip at papuri ko sa kanya dahil mas masarap pala siyang bangasan sa mukha lalo na at kita ko ang kayabangan nito habang nakataas kilay na naka dungaw sa akin.

Ahhh oh di sigi ako na ang pandak sa aming dalawa.

Hhmpppp!!

Sobrang tangkad din niya naman kasi na lagpas yata sa anim na talampakan at hanggang sa may dibdiban lang din niya ako.

"Hindi din naman ako interesado sa katulad mo."

Yuppp!! Period sabay lagay ng napkin dahil hindi ako interesado sa katulad niyang itlog.

Inirapan ko lang ito habang iniikot ang aking paningin upang hanapin ang tinatawag nilang Prinsipe Lawrence.

Napatampal ako sa noo ko dahil sa katangahan ko.

Hindi ko pala alam kung ano ang hitsura nong lalaking iyon.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa hindi ko natanong sa Propesor kung ano ang pagmumukha nong Lawrence.

"May kapakalan din pala ang iyong pag mumukha na sabihan ako ng ganyan." Inis naman akong muling napatingin sa kanya ng muli itong mag salita ng walang kabuluhan.

Abnormal yata ang isang to eh.

Kalahi din ni Radya.

"Mas makapal ang pagmumukha mong kausapin akong hindi naman kita kilala."

May narinig naman akong mga singhapan dahil medyo napalakas ang boses ko sa pagka sabi sa salitang iyon.

Kasalanan din naman nitong lalaking ito dahil iniis niya ako.

Isa pa, asan ba kasi ang bwesiitt na Lawrence na iyon at hindi pa nag papakita.

Pakipot din ang impakta eh.

"Prinsipe Lawrence, may problema po ba kayo dyan?"

Rinig kong sabi nong babaeng Propesor habang naglalakad papalit sa aming pwesto.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang