ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3

4.8K 212 46
                                    

"Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo sa amin?"

Galit na na tanong nitong parang pangulo nila kaya mas lalo ko pang diniinan ang pag tusok sa kanyang hita gamit ang sibat na kanilang sariling sandata.

Mas lumalakas ang hiyaw niya kada diin ko ng sibat na ikinanguso ko dahil sobrang tinis nito na parang bakla.

Paano nalang kaya pag sa pwet niya ko ito itinusok, baka mabingi ako sa boses niya.

Hirap naman niya lamutakin, napaka ingay.

Kita ko naman ang masaganang dugong lumalabas mula sa kanyang hita na binutasan ko.

Dahil sa wala pa akong sariling patalim ay manghihiram muna ako sa kanila.

Inilagay lang kasi nong unggoy ang mga sandata nila sa loob ng karwaheng pinaglagyan nila ng mga babae kanina kaya madali ko lang itong nakuha.

Nandito na ako ngayon sa gubat kung saan namin iniwan ang naka gapos na mga bandidong ito kanina.

Ilang minuto narin akong nag sisimulang mag tanong sa kanila pero iisa lang din ang kanilang sagot sa akin.

At yun ay puro iling at mura sabay binigyan ako ng masamang tingin.

Wala daw silang alam sa aking pinagsasabi kaya dahil sa mabait ako ay binigyan ko sila ng premyo sa kanilang pag sisinungaling.

Akala talaga nila ay pilay ako at maniniwala ka agad sa kanilang pinagsasabi.

"Diba sabi ko sayo ako si shadow death. Hindi kaba nakikinig sa akin? At bakit ba hindi mo nalang sabihin sa akin kung sino ang nag utos sa inyo?"

Ibalik ko kaya ito sa kweba ng nanay niya, ang kulit eh!!

Napaka ulyanin sa lahat ng ulyanin.

Tanong ng tanong kung ano ang pangalan ko kahit sinabi ko naman sa kanya kung sino ako pero syempre yung pang magandahang pangalan ang ibinigay ko.

Dahil sa pagkabagot ay binunot ko ang sibat na nakatusok sa kanyang hita at sa kanyang braso ko naman ito itunusok na ikinaiyak niya dahil sinagad ko talaga ito hanggang sa lumusot ito sa kabilang balat ng kanyang braso.

Yan tuloy nagkarun na ng butas ang kanyang braso.

Mukha na tuloy siyang kikiam.

Kasalanan din naman niya yan dahil pag huma-haba ang tanongan porsyon namin ay mas lalo lang akong ginaganahan sa aking ginagawang kakatusok sa kanya.

Shadow Death. Ang gamit kong pangalan sa dati kong mundo sa tuwing nasa underground battle kami.

Ako ang nagsisilbing anino ni Queen Nemain 'The Punisher' dahil ayaw ko siyang makikipag laban sapagkat wala siyang awang pumatay sa kanyang mga kalaban.

Hindi man lang siya naawa upang idaan muna sa pag torture dahil agad-agad niya itong pinuputulan ng leeg.

Paano nalang kung gusto pa nila huminga nang ilang segundo o minuto diba.

Paano nalang kung gusto pa nila magmamakaawa na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang kanilang buhay, diba?

Tissshhhhhkk!! Bakit ba kasi hindi nalang nag mana sa aking kabaitan ang Reyna na iyon.

Kaya ako nalang ang gumagawa para naman pwede pa sila makapag paalam sa kanilang pamilya gamit ang kanilang isipan.

Lalo na at pwede pa sila makapag muni-muni sa kanilang mga kagagohang ginawa pagkatapos nila mamatay sa aking mga kamay.

"Ahhhhhhh!! H-hayop ka. makawala lang ako dito ay papatayin talaga kita."

Awww!! Ang kyutt!!

Napangisi naman ako sa kanyang sinabi dahil ang mga katulad niyang pag uugali ang pinakagugustuhan ko.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now