ZTUP - C H A P T E R : 6 5

3.7K 141 21
                                    

[= Miragh =] :

"Magandang gabi sa lahat ng estudyante sa Geníal Akademya. Pasensya na at nagpatawag ako ng isang pagtitipun dito sa bulwagan sapagkat nais ko lang iparating na sa inyong lahat na dumating na sa ating Akademya ang mahal na Priestess Viktorina at ang mahal na haring Asmodeus."

Rinig ko ang pagsinghap at ilang tilian ng iba ng makita nila ang haring ninja na walang takip sa mukha.

Grabe hindi ko alam kung ilang minuto akong napatulala sa kanyang hitsura.

Sobrang gwapo niya at sobrang ganda din ng katawan niya.

Pulidong-pulido ang pagkaka hulma at alam kong marami siyang pandesal na tinatago sa kanyang tiyan.

Hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako humanga ng husto sa isang lalaki at sa tanang buhay ko ay parang ngayon lang ako naniniwala sa lab at per sayt.

Grabe naman kasi.

Nakaka gutom at nakaka uhaw ang kabuoan niya.

Para siyang isang malaking hotdog na napalagitnaan ng dalawang itlog.

Nakakatakam.

Pero bigla nalang kumabog ang aking puso sa gulat nang biglang magka salubong ang aming mga mata at binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti.

"Jusskooo!! Ang puso ko, pakipulot dahil na hulog nong nginitian ako ni haring Asmodeus."

"Hoyy!! Bruha huwag kang mangarap dahil sa akin lamang siya naka ngiti."

"Ako ang nginitian niya dahil sa akin siya naka tingin."

"Napakisig niya."

"Akala ko ay wala ng mas hihigit pa kay Prinsipe Lawrence."

"Kaya pala lagi nalang nakatakip ang ibabang bahagi ng mukha niya noon dahil sa kanyang kakaibang ka gwapohang taglay niya."

"Napaka swerte ni Priestess Viktorina sa kanya."

Napa irap nalang ako sa samot-saring bulungan ng mga mag aaral na malapit sa akin pagkatapos magpakitang gilas yung haring Asmodeus na iyon.

Akala mo naman ay sila ang nginitian eh sa akin naman talaga nakatingin ang hari na iyon.

Tseee!! Ang lakas nila mag ilusyon.

"Mula bukas hanggang sa matapos sa pag aaral si Priestess Viktorina ay makakasama natin silang dalawa sa Akademyang ito lalo na sa pang-araw araw nating pag aaral. Kaya sana ay galangin niyo sila higit kanino man."

Ano ba yan, bakit ang dami pang ebas.

Pwede naman sigurong bukas nalang sila ipakilala diba? Dahil balik aral naman ulit bukas.

Hindi ko mapigilang humikab dahil sa inaantok na talaga ako at naiinis narin ako dahil sa kaartehan at feeling pa importante itong lintik na priestess at Asmodeus na ito.

Kahit napapatulala ako kanina sa kanyang pagmumukha ay hindi ko naman mapigilang mainis dahil bakit ngayon gabi pa talaga nila napiling mag inarte kung saan mas gustuhin ko nalang matulog.

Halos mag alas nwebe (9) na ng gabi at pagod na pagod ang katawang laman ko dahil ikot ako ng ikot sa bayan dahil nag babakasali na makita ko ang damuhong ninja na kalahi nitong haring Asmodeus.

Mag mula nong may nangyayari sa Cantena ay lagi nalang siyang sumusulpot kahit na saan ako.

.

.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now