ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4

5.7K 255 26
                                    

"ahrrgghhh..."

"Isang iri pa po mahal na Reyna, nakikita ko na po ang ulo nang sanggol."

Utos nang matandang babae na siyang nagpapa anak sa Reynang may pulang buhok.

Naluluha namang sinunod nang babae ang utos nito at muli itong umiri ng malakas.

"kaya mo yan mahal ko, nandito lang ako sa tabi mo."

Pagbigay lakas loob nang isang lalaking may berding buhok habang naka hawak sa kamay nang babaeng nanganganak.

Pinunasan naman nang lalaki ang pawis at luhang tumutulo sa mukha nang babae at hinahalikan ang kamay nito na kanyang hawak-hawak.

Kahit hindi ma itago nang lalaki ang kabang makikita sa kanyang pagmumukha ay hindi parin ito umalis sa tabi ng babae bagkus ay inalalayan at samahan niya pa ito sa hirap na kinalalagyan.

Makalipas ang kalahating oras ay sa wakas matagumpay na isinilang ng babae ang isang sanggol.

Ganun nalang din ang kanilang kaba at takot ng hindi man lang nila narinig ang iyak nang isang sanggol na siyang gusto nilang marinig.

"B-bakit hindi siya umiyak, buhay ba ang anak ko. Ginang Lina?"

Kinakabahang tanong nang babaeng nanganak na siya sanang itatanong nang lalaki kaso na unahan lang siya ng babae na kanyang asawa.

"Hindi ko alam kung bakit dahil ngayon lang din ako nakaranas ng ganito pero buhay ang anak niyo mahal na hari at Reyna at isa itong napaka gandang babae."

Nagtatakang sabi ng matanda pero hindi maalis alis ang pagka manghang nakaukit sa mukha nito habang tinitigan ng mariin ang bagong silang na sanggol sa kanyang kamay dahil sa kagandahang taglay nito.

Ibinigay naman ng matanda ang bagong silang sanggol sa bisig nang babaeng may pulang buhok.

"uwaahh-uuuwahhhh."

Pagkalapat ng balat nito sa bisig ng Ina ay siya namang pag iyak nito ng pagkalakas lakas.

Tumulo ang luha nang lalaki at babae sa tuwa at galak dahil kitang kita nila na sobrang ganda at lusog nang sanggol na nasa bisig ng babae.

Hindi sila makapaniwalang magtataglay ng pambihirang ganda ang kanilang magiging anak na kahit sanggol pa lamang ito ay makikita na talaga ang napakagandang hugis ng pagmumukha nito.

Hinalikan naman ng hari ang noo nang babaeng may pulang buhok bago hinalikan ang noo ng sanggol na ngayon ay mahinahon na itong nakapikit.

Kitang kita sa mukha ng lalaki ang nakaukit na buong pusong pagmamahal habang pinagmasdan nito ang kanyang mag Ina.

"Auurrgghhhhhhhhh"

"Uwaahhhhh uwahhhh"

Kasabay ng pag iyak ng sanggol ang pagdaing ng babae makalipas ang ilang minuto.

"A-ano ang nangyari sayo mahal?"

Halos hindi na mapakali ang lalaki kung sino ang uunahin niya sa kanyang mag Ina dahil labis narin ang pag iyak ng kanyang anak.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now