ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0

4K 202 30
                                    

[=Quinta=] :

"Ano ba ang kailangan mo sa akin at naparito ka?"

Agang-aga nang-aabala na naman ang bwesit na ito.

Mas mabuti pa yong nandun lang siya sa palasyo dahil mas maganda pa ang kolouban ko pero nang makita ko siyang bumalik at pumasok na ulit dito sa Akademya ay parang gusto ko yata siya kalmutin.

Bakit ba bumuti pa ang lagay nito?
Mas maganda sana yung natuluyan nalang siya eh.

"May ipinaabot si Ama sa atin."

Nakadekwatro lamang ito habang naka upo sa isang upuan ko dito sa silid ng aking dormitoryo at kita ko ang pagkabagot sa kanyang pagmumukha habang naka ismid na nililibot ang tingin sa paligid.

Kahit kailan ay napaka bastos talaga nitong babae na ito.

Kung hindi lang siya kailangan ni Ina ay matagal ko na sana itong pinatay.

Wala akong pake kung kapatid ko ito o hindi dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na may kinikimkim din itong galit sa akin.

Napaka inggetera talaga nito pagdating sa mga tagumpay na nakamit ko at lalo na pagdating kay Prinsipe Lawrence.

Mas mabuti na nga na sa akin napunta si Prinsipe Lawrence dahil karapat-dapat talaga ako para isang Prinsipeng tulad niya hindi tulad nitong inggeterang babae na ito na wala namang ka kwent-kwenta.

Parang mas bagay yata silang maging magkapatid nong malandi na Xhandria na iyon dahil magkapareho lang naman silang puro mga inutil.

"Bakit ano ba yan?"

Hindi na ako nag abala pang bumangon sa aking kinahihigaan dahil wala naman siyang kwenta para pag alayan ko ng aking lakas at bigyan ng respeto.

"Nakakadiri. Napakawalang galang talaga. Hindi talaga siya bagay para sa aking mahal."

"Ano? Nababaliw ka naba at nag bubulong ka nalang dyan? Kung wala naman palang kwenta iyang sasabihin mo tulad sa pagkatao mo ay mas mabuti pang lumisan ka sa aking silid dahil sinisira mo lang ang araw ko."

Mas lalo lang yata pinasama nito ang kalooban ko ng pinaikot lamang niya ang kanyang mga mata na tila wala itong pakialam sa pagalit kong salita.

"Ipinasakamay sa atin ni Ama ang gagawin kay Xhandria."

Kita ko ang biglang pagngisi nito na alam kong may binabalak na itong masama.

Napangisi nalang din ako dahil sa kanyang magandang ibinalita pero kahit ganun ay isa parin siyang inutil.

"Sa anong dahilan?"

Bumangon ako at umupo sa aking kinahihigaan at pinagmasdan ang babaeng walang kwenta na nakapaskil parin sa kanyang labi ang ngiting masama.

"Dahil mali ang kanyang binangga."

Umikot lamang ang mga mata ko dahil sa kanyang sagot.

Oo mali talaga ang Xhandria na iyun dahil lumapat ang marumi niyang mga kamay sa napakaganda, napakakinis at napakalambot kong balat lalo na at isa siyang mapangahas na hawak-hawakan ang pag mamay-ari ko pero bakit ba ang lakas ng loob nitong walang kwenta kong kapatid na ngumisi-ngisi sa aking harapan.

Alam kong ako ang dahilan kaya nasabi ni Ama ang katagang iyon sapagkat dapat lamang ako ang pinakapahahalagahan ng buong kaharian sapagkat nasa sa aking kamay nakasalalay ang kaunlaran nito dahil alam kong ako ang uupo bilang isang Emperatrís sa susunod na henerasyon.

"Yan lang ba ang sasabihin mo? Pwede ka nalang lumabas."

Mag iisip pa ako ng plano kung paano ko gagantihan ang malandi na iyon.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now