ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8

3.8K 204 37
                                    

[=King Zavier Elli Qhaszim=] A :

"Walang hiya at walang utang na loob ang babae na iyon. Matapos ko siya alagaan, ayusan, gabayan at alalayan bilang isang mabuting Ina niya ay ganito lamang ang kanyang isusukli? Ang saktan ang kanyang mga kapatid?"

Madamdaming iyak na mahabang pahayag ni Reyna Lucifia kay haring Zavier na tahimik lamang habang nakatanaw sa kawalan.

Matapos makarating sa kanila ang balita tungkol sa nangyari sa loob ng Akademya kahapon ay nahulog na siya sa malalim na pag iisip.

"Ano ba Mahal, mag salita ka naman. Yung anak natin na si Quinta at Quinara ay sinaktan ng walang kwentang dati mong anak papaano kung may gagawin pa siyang mas masama pa sa ating mga anak, paano kung hahantong sa punto na papatayin niya ang ating kamba-.."

"PWEDE BANG MANAHIMIK KA KAHIT SAGLIT MAN LANG!!!?"

Kita niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha ng Reyna dahil sa kanyang malakas na sigaw at ang pag iwas ng tingin nito sa kanya na akala niya ang natakot ito sa kanyang masamang tingin.

Kahapon pa siya naririndi sa kakatalak ng babae at kakaiyak nito matapos mabalitaan nilang binugbug at nahimatay si Prinsesa Quinta mula sa mga kamay ng kanyang dating Anak.

Napaisip siya na mali ba ang kanyang ginawa na ilayo sa kanya ang kanyang anak o tama lamang upang matutunan nito kung papaano lumaban para sa sarili nitong kaligtasan.

Pero kung ganito man lang pala na ang sarili nitong kapatid ang lagi nitong sasaktan na kahit wala namang masamang ginawa sa kanya ay parang hindi ito nakakabuti.

Alam niyang mabait at malambing na mga anak sina Quinara at Quinta kaya hindi niya akalain na magawang saktan ito ni Xhandria.

Hindi pa niya nakita na pinagbuhatan ng kamay ni Quinara at Quinta si Xhandria kundi ay kabaliktaran ito dahil si Xhandria ang laging nananakit sa kanyang mga nakakatandang kapatid at nakita na niya ito na minsan ng itinulak ni Xhandria si Quinara noon at ang kawawang nakakatandang kapatid naman ay napa upo na lamang ito sa damuhan at umiiyak dahil wala siyang balak na lumaban dahil sa ayaw niyang saktan si Xhandria na bunso nilang kapatid.

Kaya mula noon ay mas lalo pang nag aalab ang galit sa kanyang puso dahil hindi man lang ito marunong makisama sa mga babaeng kapatid nito na mas malakas pa sa kanya at may mas pakinabang pa sa kanya.

Nong sinabi ng kanyang asawa na si Reyna Lucifia na ilayo ang tulugan ni Xhandria upang hindi na masaktan ang dalawang mga kapatid nito ay hindi na siya tumutol pa dahil alam niyang para lamang ito sa ikabubuti ng dalawa niyang mga anak. Isa pa kahit nasa hanay ng mga katulong ang tulugan nito ay alam niyang buhay Prinsesa parin ito dahil sa madalas na pagpapahirap nito sa ibang mga katulong sa buong palasyo at minsan pa ay nakikita niyang may mga pasa pa ang iba at nababalitaan niyang kagagawan ito ni Xhandria dahil daw sa hindi nasusunod ka agad ang gusto at utos nito.

Kahit gusto niyang bigyan ng parusa ang kanyang anak upang turuan ng leksyon ay lagi naman siyang pinipigilan ng kanyang asawa at ng dalawa pa nilang mga anak dahil sa intindihin na lamang daw si Xhandria dahil may pinagdaanan lamang ito at baka nangungulila lamang ito sa kanyang Ina.

Hindi niya lubos ma isip na bakit hindi man lang ito nag mana sa sariling Ina nito.

Kung gaano ka bait ang Ina nito sa lahat ay kabaliktaran naman si Xhandria dahil tila nag mimistula itong mabangis na hayop na hindi mapapaamo.

Dapat nga ay mabait, malambing at mapagkumbaba ito dahil sa wala itong mahika at kapangyarihan na siyang pinakamababa sa lahat pero parang umasta pa talaga ito na mas nakakataas at malakas sa lahat.

Alam niyang hindi lumalaban si Quinara at Quinta kay Xhandria kaya na kaya nitong bugbugin ang dalawang kaawa-awang nakakatandang kapatid.

"Pero Mahal, si Quinara at Quinta ano ang gagawi-.."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon