ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2

2.4K 85 5
                                    

⚠️ This chapter contains SPG and disturbing scenes. So read at your own risk and pray😂😂😂⚠️

...............

[= Quinta =] :

Malaki ang lihim na pag ngisi ko nang maka pasok ako ulit sa pribadong dormitoryo ni Lawrence mag mula noong nag hilay kami kahit na masaya ang damdamin ko ay hindi ko parin maiwasang mainis dahil sa kanyang bunsong kapatid na si Zia.

Kung hindi lang dahil ay kuya Haogu ay baka nasa labas parin na nag hihintay kay Rence pero buti nalang at nadala si kuya Haogu ng mga luha ko.

Bakit ba kasi napakaraming hadlang sa mga plano ko lalo na itong bwesit na kapatid ni Lawrence, bwesit talaga.

Binawasan ko na nga ang alam kong maging hadlang sa amin sa mga ganitong panahon pero hindi ko akalain na mas malala pa pala itong bunsong kapatid niya kaysa don sa kakambal niya.

Isa pa kahit gustohin ko mang dispatsahin itong Zia na ito tulad sa ginawa ko sa kakambal ni Rence ay hindi ko magawa-gawa dahil napakatalino nito na parang alam na alam niya ang mga binabalak at mga gagawin ko.

Lalo na ngayon na laging naka matyag sa kilos ko na mas ikinainis ko.

"Ano ang maipag lilingkod ko sayo Prinsesa Quinta?"

Hindi ko mapigilang masaktan sa kanyang pormal na pagtawag sa akin na para bang walang namamagitan sa amin noon.

Bakit hindi mo nalang ako tawagin sa dati mong tawag sa akin bilang isang Quin sa buhay mo, Rence.

"D-dahil natatakot parin ako Rence. D-dahil baka pakana iyon nong taong nakatalukbong ang itim na enerhiyang nakapalibot sa buong Akademya kahapon upang saktan ulit ako."

Kunwaring umiiyak kong sabi habang nag mamakaawa ang mga mata ko na huwag niya akong iwan.

Kahit naainis ako kung bakit tila hindi niya alam na si Xhandria ang gumawa non sa akin ay gagamitin ko nalang ito para maka lapit ulit ako ng husto sa kanya.

Halos gusto ko mag tatalon sa tuwa ng lumapit ito sa akin habang nakikita ko sa kanyang mga mata ang awa at pag-alala sa akin lalo na at niyakap niya agad ako ng mahigpit.

"Tahan na, nandito lang ako at hindi kita hahayaang masaktan ulit at hindi ako papayag na may masamang gawin ang taong nakatalukbong na iyon sayo."

Hindi ko maitago ang ngiti sa aking labi na alam kong mapapansin iyon ni Zia pero wala akong pakialam dahil isa lang naman siyang bwesit sa buhay ko.

Kita ko ang masama niyang tingin sa akin na inismiran ko lang at buti nalang din dahil kaming tatlo lamang ang nandito sa tanggapan ng bisita ni Rence at nasa labas si kuya Haogu dahil baka mahirapan akong mag kunwari pag nandito siya.

"Tssskkk!!! Ang arte. Hmmpp!"

Mas lalo ko naman nilakasan ang aking pag iyak dahil sa kanyang sinabi at siniksik ko ang aking mukha sa leeg ni Rence ng makita kong sinamaan niya ng tingin si Zia.

Buti nga sayo sagabal at sana palayasin ka ni Rence dito sa pribado niyang dormitoryo dahil nakaka inis talaga ang isang tulad mo.

Halos mag diwang ako ng lumabas ito sa silid na aming kinalalagyan at iniwan kaming dalawa ni Rence.

Kumulas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata.

Inangat ko ang dalawa kong kamay upang maabot ko ang kanyang pisngi.

Napaka kisig talaga niya at nararapat lamang talaga na ako ang magiging emperatrís at wala ng iba.

Nag pasalamat naman ako dahil hindi niya tinanggal ang aking mga kamay na nasa kanyang pisngi.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now