ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1

5.1K 253 29
                                    

"Mahal ko, nakakapag tataka kung bakit dinapuan ng sakit ang ating anak. Hindi ba pag mga pangkaraniwang sakit lamang ay hindi makukuha ng isang tao na may dugo at mahika ng isang manggagamot?"

Nagtatakang tanong nong babaeng may pulang buhok sa kanyang katabing asawa habang kalong kalong nito sa kanyang bisig ang natutulog na sanggol.

"Oo nga mahal ko, at pang limang besis na itong lagnat niya mag mula nong isilang mo siya."

Sagot naman nong lalaki habang inilapat nito ang kanyang dalawang daliri sa noo ng sanggol.

Pagkatapos ay biglang umilaw ng kulay berde ang mga daliri nito at may lumalabas na usok na pumapasok papunta sa noo ng sanggol.

Gumalaw naman ang sanggol habang dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata at binigyan ng isang napakatamis na ngiti ang lalaki na ikinatigil nito sa kanyang ginagawa.

Hindi niya maintindihan ang mainit na haplos na kanyang nararamdaman sa kanyang puso habang nakikipagtitigan siya sa kanyang anak.

"Mahal na mahal ka namin aming anak, kahit anong mangyari ay nandito lang kami para sayo."

Naluluhang sabi nang babae bago hinalikan ang noo ng sanggol na ikinahagikhik nito.

"Mahal na mahal ka namin nang iyong Ina, aming munting Prinsesa."

Buong pusong hinalikan naman ng lalaki ang noo ng sanggol at ang noo nang babae bago niya niyakap ang kanyang mag Ina na may naka ukit na ngiting kontento sa kanyang mga labi.

.

.

.

-------

Nagising ako habang hawak hawak ang aking pisngi na basang basa ng luha.

Ramdam ko ang sakit at pangungulila ni Miragh na siyang aking katawan na ngayon.

Kahit hindi ako ang umiiyak ay tuloy-tuloy parin ang agos ng aking luha na hinayaan ko nalang dahil ito ang kagustuhan ng katawan ni Miragh.

Niyakap ko nalang ng mahigpit ang aking sarili upang maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ni Miragh na naramdaman ko din ngayon.

Medyo na we-werduhan ako pero parang tungkulin ko na alalayan at alagaan ang katawan ni Miragh at huwag itong hayaan na masaktan.

"Prinsesa Xhandria, gising na po ba kayo?"

Rinig ko ang boses ni Radya sa labas ng pintuan bg aking silid habang marahan itong kumakatok sa pinto.

Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha at inayos ang aking sarili ng makita kong unti-unting bumukas ang pintuan ng aking silid at dumungaw ang ulo ni Radya mula dito.

"Akala ko po ay tulog pa kayo dahil gigisingi- - ayos lang po ba kayo Prinsesa Xhandria?"

Kita ko ang pag-alalang naka ukit sa kanyang mukha habang pinagmasdan ako nito na sinagot ko lang ng isang tango.

Gusto pa sana akong lapitan nito pero sinamaan ko agad siya ng tingin na ikinaatras niya pabalik sa pintuan palabas.

"Maliligo na ako."

Walang emosyong sabi ko sa kanya at umalis sa aking kama upang kumuha ng tuwalya.

Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko muna mapag-isa sa ngayon at ayaw ko na may gumagambala sa aking pag-iisip.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now