ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3

2.5K 101 2
                                    

[= Miragh =] :

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon sa likurang bahagi ng palasyo ng kung sino ang nag mamay-ari habang nag lalakad dahil sa pagka ala-ala ko ay nasa Akademya ako habang naka dipa ang kamay pati ang mga kamay habang natutulog ng mahimbing.

Sino kaya ang lapastangang nagdala sa akin dito at ipinalakad lakad kahit madilim.

Kung gaganitohin lang naman pala nila ako ay sana binigyan man lang sana nila ako ng flashlight o lampara para may makita ako sa dinadaanan ko.

Paano nalang kung makaapak ko ng tae eh di naloko na.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay nakarating ako sa isang lawa na may pavilion sa gitna.

(See the image below. 👇 Photo not mine. Cttro:)

Grabe nakaka mangha ang ganda

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


Grabe nakaka mangha ang ganda.

May mga lantern na may ilaw sa loob ang inilay sa bawat gilid ng daan.

Agad akong patakbong pumunta sa gitna at halos mapanganga nalang ako sa kakaibang kagandahang tanawin ang aking nakikita lalo na at sobrang lawak din pala ng lawa pumaikot sa pavilion.

May buwaya siguro dito dahil parang ang lalim ng lawa eh.

"T-tulong, tulongan niyo kami."

Agad naman akong napatalon sa gulat ng may marinig akong isang tinig ng bata na humihingi ng tulong.

Agad ko itong nilapitan sa kabila ng takot na aking nararamdaman dahil baka multo itong batang ito na nalunod na dito.

Subalit napatigil nalang ako sa aking paglalakad at literal na hindi maka galaw sa aking kinatatayuan ng makita ko ang batang si Miragh na hindi nag dalawang isip na tumalon sa tubig at sinagip ang isang batang lalaki isang batang babae.

Kahit hirap na hirap siya sa pag langoy ay inalalayan naman niya ang dalawa hagang sa makahawak sila sa gilid ng pavilion.

Kita ko na wala ng malay ang batang babae na hinawakan ng batang lalaki ang damit sa may bandang leeg nito para hindi tuluyang malunod.

Una namang umakyat si Miragh at tinulungan ang batang lalaki upang maiahon ang hawak nitong batang babae na sa palagay ko ay nasa limang taon ang agwat nila habang si Miragh ay nasa 7 na taong gulang pa lamang.

Nang maka ahon na silang lahat ay ngayon ko lang napag masdan na ang batang lalaki ay kamukhang kamukha ni itlog Zeus at batang babae na hawak nito ay kapareha ng mukha niya na alam kong ito yung kakambal niya na nakita ko sa kanyang isip noon.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu