ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0

6.1K 280 41
                                    

[=A=]:

Hindi malaman ng dalawang babae ang kanilang sasabihin o maging reaksyon man lang sa Prinsesang kanilang sinusundan.

Mag mula nong nakita nilang umuusok ng kakaiba ang katawan nito ay para na silang naka kita ng ibang tao sa katawan ng kanilang mahal na Prinsesa.

Subalit pilit nilang itinatanggi sa kanilang sarili na nawalan lamang ito ng alala pero hindi rin nila mapigilang magkarun nag agam-agam dahil sa kanilang mga nasaksihan sa mga kakaibang ikinikilos nito lalo na kung kailan pa ito natotong makipag laban.

Nong mag tungo sila sa kusina ng palasyo kanina ay puno nang pagkakabahala at pag alala ang nararamdaman sa kanilang mga puso na baka masaktan lang ito dahil alam nilang walang rumirespeto nito maliban nalang sa kanilang dalawa.

Pero nong masaksihan nila kung paano ito gumalaw at magsalita laban sa gustong manakit nito tulad noong paglabas nila sa piitan ay parang nabunutan sila nang tinik sa lalamunan sapagkat hindi talaga sila namamalikmata at marunong na talaga itong ipag laban ang kanyang sarili.

Ngunit ganon nalang din ang kanilang pagtataka kung kailan at saan ito nagpaturo ng pisikalang pakikipaglaban.

Maraming imposibleng mga salita ang nasa kanilang mga isipan at halos mabaliw narin sila sa kakaisip kung paano ito nagawang ilihim sa kanila ng kanilang mahal na Prinsesa.

Sa estilo palang ng pag sipa nito kanina ay malalaman mo nang isa na itong bihasa sa pakikipag laban.

Kahit hindi man sila maalam kung paano lumaban ng pisikalan para sa kanilang sarili ay alam din naman nila ang galaw nito sapagkat nakakita na sila nang isang taong magaling makipag laban ng pisikalan at iyon ay ang Hari sa kanilang palasyo.

Kahit puno sila ng kuryusidad ay nanatakot parin silang mag tanong mula rito dahil baka mag iba na naman ang ugali nito sa nakikita nila ngayon.

Isa pa natatakot din sila na baka sila naman ang masipa at mawalan ng malay.

Sapat na sa kanila na makita nilang masaya ang mukha nito.

Nang maala-ala nila ang nangyari sa dalawang tagapag luto kanina ay sabay nalang silang napalunok sa kani kanilang mga laway dahil sa naging hitsura ng mga ito matapos ma sipa.

Nangingitim ang katawang bahagi ng mga ito kung saan natamaan ng sipa nang Prinsesa.

Lalo na ang kamay nung pangulong tagapag luto na tila bagang may patay na dugo na matagal ng naroon sa loob ng balat nito.

Hindi nila alam kung nakita ba nang Prinsesa iyon, lalo nang hindi nila alam kung gagaling paba iyon dahil sa buong buhay nila ay ngayon pa lang sila naka kita ng ganoong pinsala.

Kahit ang natamong pinsala nang kanilang mahal na Prinsesa noong mga nakaraang linggo ay walang wala ito kung ihahambing sa kanilang nakita kanina.

Nang makarating sila sa silid ng Prinsesa ay hinabilinan lang sila na mag hintay sa labas ng pintuan dahil maliligo daw muna ito bago sila mag ikot sa buong palasyo.

Tumango lang sila at hindi na nag salita pa dahil natatakot parin sila sa pag iiba nang ugali nito.

.

.

.

.

---------

[=Miragh=]:

Pagkatapos ko maligo ay nag suot lang ako nang isang simpleng damit.

Mag iikot-ikot lang naman ako sa palasyo ngayon para na din matunawan sa dami ng aking nakain.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now