ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2

6.1K 278 40
                                    

[=Someone=]:

Kanina pa nag lalakad ang lalaking naka talukbong habang nag mamasid sa buong paligid ng Sanador.

Isang bayan kung saan matatagpuan ito sa Kaharian ng Genezers o Kaharian ng mga dakilang manggagamot.

Kanina pa siya paikot ikot sa bawat eskinita nito habang nag mamatyag sa mga masasayang taong bumibili at nagtitinda.

May nakapag bigay mensahi kasi sa kanya na namay namataan silang taga Kasamaanian dito na nakihalo bilo sa mga mga mamamayan.

Kaya nag kusa siyang pumunta dito upang masiguro ang siguradid sa bayan ng Genezers.

Alam din niya na walang magagawa ang mga taga rito kung sakaling sasalakay ang mga taga Kasamaanian.

Kahit ang hari na namumuno dito ay mahihirapan ding makatalo nang kahit sampong taga Kasamaanian kahit pa magaling itong makipag laban ng pisikal.

Ganon kalakas ang mga taga Kasamaanian dahil sa itim nitong kapangyarihan na higit na mas malakas kaysa sa mga mamamayan at mandirigma ng Llum kung saan sakop nito ang pitong Kaharian.

Genezers ang pinaka mahina sa lahat ng kaharian dahil sa pag papagaling lang ang mga kapangyarihan at mahika nito.

Marunong din naman sila makipag laban ng pisikal pero hindi parin yon maging sapat upang manalo at maisalba nila ang kanilang mga buhay laban sa mga taga Kasamaanian.

Tanging ang mga dugong bughaw lang ng taga Llum ang may pag-asang manalo sa pakikipag laban sa mga taga Kasamaanian.

Ngunit kung sakaling lulusob ang buong kaharian ng Kasamaanian ay wala silang pag asang manalo sapagkat ang isang mamayan ng taga Kasamaanian ay katumbas nito ang pinag samang lakas ng limang kawal nang Llum.

Sa ilang Oras niyang pag iikot at pagmamasid sa paligid ay napahinto siya dahil sa may narinig siyang mga sigawan ng mga tao na medyo malayo sa kanyang pwesto.

Biglang kumabog ang puso niya sa kaba na baka nag simula nang manggulo ang mga taong nasa isip niya kanina lang, ang mga taaga Kasamaanian.

Agad siyang tumakbo nang mabilis papunta sa mga taong nag sisigaw pero tila gumaan ng bahagya at nawala ang kaba sa kanyang dibdib nang isang Agire lamang itong tumakbo habang hinahabol ng mga Jàgare o grupo nang mga taong may kakayahang dumakip ng Tagapangalaga ng mga Espirito.

Pero parang bumalik agad ang kaba sa kanyang dibdib nang nakita niya ang isang babaeng nakatalubong at nakatayo lamang sa daan habang nakatingin lang sa nilalang na tumatakbo patungo sa harapan nito.

Mas lalong naging maingay ang mga tao dahil sa babaeng hindi parin gumalaw at umalis sa kanyang kinatatayuan.

Nang nasa tatlong talampakan na lamang ang layo sa pagitan nang babae at ang nilalang na Agire ay bigla itong huminto sa harapan nito.

Pupuntahan na sana niya ang babae upang ialis sa harapan ng Agire dahil sa kilala ang nilalang na ito bilang isa sa pinakamabangis na hayop sa kanilang mundo kaya nag alala siya sa babae na baka saktan ito ng nilalang at mapano.

Pero ganon nalang ang kanyang pagka gulat nang biglang umakyat at sumakay ang babae sa likod ng nilalang pagkatapos ay muli nanaman itong mabilis na tumakbo at lumipad pataas habang sakay sa likuran ang babaeng nakatalubong.

Nang lumagpas na sa bobong nang mga bahayan ang lipad nito ay siya namang pagka alis ng talukbong ng babae na siyang naging dahilan upang makita niya ang pulang buhok nitong dinuduyan ng hangin.

Hindi niya makita ang hitsura ng mukha nito sapagkat naka talikod ito sa kanyang pwesto.

"Bwesit naman. Nag hirap pa tayong dakpin ang nilalang na yon tapos naka takas lang?"

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now