ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2

4.3K 258 26
                                    

"Ang unang kaharian sa ilalim ng Llum ay ang Ekrucusian o kaharian ng lupa na pinamumunoan ni Haring Hazzer Zupyss Ecoputreva at ni Reyna Leznna Ersian Ecoputreva. Ang mga anak naman nila ay sina Prinsipe Ermell Huxley Ecoputreva na siyang susunod na uupo sa trono ng kanilang kaharian at ang mga kapatid naman nito ay sina Prinsesa Ellezna Haley Ecoputreva at Prinsesa Ellezbeth Hale Ecoputreva."

Tamad naman akong nakikinig kay Propesor Heidi na nag tuturo ng kasaysayan.

Bagot na bagot na ako habang nag hihintay na matapos na ang pang umagang klase dahil sabik na akong makita ang pagmumukha nong impaktang makukulam.

Maaga pa naman ako gumising kanina para lang abangan siya sa Cantena pero maswerte siya at hindi ko siya nakita.

"Ang pamilyang Ecoputreva ay ang pinakamalakas pag dating sa mahika tungkol sa lupa. May eksklusibo silang mahika na siyang naging palatandaan sa kanilang pamilya at ito ay ang nakakamatay na mga halaman na kahit ang mga dakilang manggagamot ay hindi nila kayang mapagaling ang taong na pinsala nito."

Ehh Di woww!!!,pawerpol.

Pinalubo ko ang mga pisngi ko at sinusundot-sundot ko ito gamit ang aking mga hintuturo dahil sa naboboryo na talaga ako.

Kahit gaano pa kagaling iyang pamilyang ecobag na yan ay wala akong pake hanggat hindi ko mababangasan ang pagmumukha nong impakta.

"Bukas ay ang kaharian naman ng Wrofupis ang ating tatalakayin. Mabibigay agad ako ng pasulit pagkatapos tungkol sa ating naging paksa ngayon at bukas. Paalam mga mag aaral at magandang umaga."

"Yesshhh!!!"

Napatingin naman sa akin ang lahat dahil agad akong tumayo at sumigaw habang sinusuntok ang hangin nong naka labas na si propesor Heidi.

Taas noo ko namang binabaliwala ang mga nagtatakang tingin nila at ibinaba ang aking kamao mula sa iri at kinuha ang aking mga gamit dahil sa sabik na akong lumabas sa silid na ito.

"Prinsesa Zemiragh, saan ka po pupunta?"

Napatingin naman ako sa kamay na naka hawak sa aking braso at nang sundan ko kung sino ang may nag mamay-ari nito ay kita ko ang nagtatanong na pagmumukha ni Jelliene na naka tingin sa akin.

Kita ko rin ang pagtataka sa mukha ni Farina na naka sunod lagi kay Jelliene na akala mo ay buntot.

Ano na naman ba ang problema nitong dalawang temang na ito.

"Sa Cantena."

Pagbigay hiwatig ko sa kanyang napaka tangang tanong.

Saan pa ba ako pupunta maliban sa Cantena eh sa tapos naman ang klase isa pa gusto ko na talaga malamutak ang pagmumukha nong impakta.

Nangangati na ang mga palad ko na pigain ang kanyang nguso.

"Hala, gutom ka na naman ba Prinsesa Zemiragh?"

Anong gutom? Anong akala niya sa akin patay gutom?

Kinunutan ko siya ng noo at hinila ko ang braso ko sa kanyang pagkaka hawak dahil sa balak pa yata niyang maging unggoy dahil sa higpit ns pagkakapit sa akin.

"Anong gutom na naman? Eh sa doon naman talaga tayo pupunta."

Inirapan ko ito at nagpa tiunang naglakad dahil baka makutusan ko lang ang singit niya sa katimangan niya.

"Hehehehe. May L'etiqueta at Í ballar pa po Prinsesa Zemiragh."

Napahinto naman ako at lumingon sa kanya habang nakakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.

Hindi ko mapigilang mapapadyak sa inis ng may el'kiti-kiti pa pala na klase bago ang tanghalian.

Buset. Bakit merun pang ganyan dahil sa pagkaka ala-ala ko ay parang wala naman yan ah.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now