Chapter 45

428 23 16
                                    

At hindi na nga kami natuloy, wala naman akong magagawa at nasabi na ni sandra panigurado nag i-isip isip na si sandro sa mga narinig niya kay sandra kaya naisipan ko na siyang puntahan sakanilang bahay.


"Sandro!" I shout his name, para naman marinig niya kaagad. Dahil naka-ilang doorbell na ako wala pa ring sumasagot. "Sandro! Let's talk"

Bigla namang bumukas pero isa ito sa mga kasambahay nila sa bahay.


"Ano pong kailangan nila??" Magalang na pag tanong ni ate.


"Si sandro po?" Saad ko at sana naman payagan niya ako.

"Nasa loob po.. inaalagan si ma'am Sophia" aniya at hindi ko alam kung bakit medyo nasaktan ako sa narinig ko mula kay ate.


"Ah.. ganon po ba? Pwede po ba akong pumasok? Don't worry! I don't have any bad intention.. mahalaga lang po talaga yung pag u-usapan namin" saad ko pero mukhang nag da-dalawang isip pa siya.

Sakto naman at may dumating pa na isang kasambahay nila.

"Ate! Si eli to.." saad ko dahil mag kakilala na kami noon.

"Ay! Ma'am! Halika.. si Sir sandro ba ang hanap mo?. Or yung magaling mong kapatid?" Aniya dahil kahit papaano ay may pinag samahan din kami neto.


"Hahaha si sandro po!" Sambit ko at bahagya kaming nag tawanan.

"Sige...pasok ka" aniya at pumasok na nga ako. Unang bumungad pa nga saakin ay sila Oreo.

"Thank you for letting me in, ate!" I said and we hug each other.

"Welcome! Sige mauna na ako" aniya at mukhang may gagawin pa siya.


"This way po" pag asikaso saakin kahit na kabisado ko pa rin naman ang daan patungo sa loob.

"Uhm.. ate, nasaan yung kwarto ni Sophia?. Nandoon ba sila?" Pag tatanong ko dahil na-curious ako.

"Yes po, may sakit kasi si Ma'am Sophia kaya ayon ina-asikaso ni sir paano ayaw mag paasikaso saamin" aniya saakin.


"Pag pasensiyahan niyo na lang po... ako na po yung humihingi ng tawad sa mga nagawa niya sainyo" saad ko

"Ayos lang naman po iyon.. naiintindihan naman namin" aniya at nag ngitian kami hanggang sa nag paiwan na ako para puntahan sina sa kwarto ni Sophia.


Naka-awang yung pinto kaya dahan dahan ko iyon binuksan.

"Eli?!" Laking gulat ni Sophia nung makita niya ako.. mukhang wala si sandro dito baka nasa bathroom or whatever.

"Hmm Sophia?" I said and i looked at her. Bigla siyang tumayo sa pag kakahiga.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Para bang naiinis siyang makita ako dito.

"Ikaw ano pang ginagawa mo dito?" Binalik ko ang tanong sakaniya

"Wow! Answer my question first, how dare you to go here? Buti may mukha ka pang ihaharap?" She sarcastically said and smiled weirdly.

"Well, i'm here to talk to Sandro.." pag sagot ko para manahimik siya.


"Pwede ba?? Masaya na kami dito! Wag mo na pang guluhin.. nakakainis! Sa loob ng limang taon na'yon ay hindi ka pa rin niya magawang kalimutan, puro na lang Eli!" Iritang saad niya.

"Kasalanan ko bang mahirap akong kalimutan?" I said and smiled at her.

"Iniwasan na nga namin ang pag gamit ng social media para hindi ka na namin makita pa." Saad niya "Bakit kasi bumalik ka pa?! Eh diba iniwan mo na nga ang Pamilyang Marcos"

He love me like a politicianWhere stories live. Discover now