18 - Free to Go

0 0 0
                                    

Agad kong sininghot ang simoy ng hangin at tinignan ang mga nagsasayawang bulaklak, mga tuyong dahon na nahuhulog mula sa matayog na puno at ang sinag ng araw na ilang taon ko ring hindi nakita.

'Eto na pala ang Pilipinas.

Lumingon ako sa pinanggalingan ko, sumaludo sa mga pulis at nginitian ang mga ito. Sa wakas... Malaya na ako.

Una ay wala na akong mga kamag-anak, kung meron man ay sigurado akong hindi na ako makikilala o kaya naman ay hindi na ako gugustuhin pang naroroon. Pagkatapos ba naman ng anim napung taon na pagkakakulong dahil sa ilang beses na murder na ginawa ko ma'y dahil naman sana sa kabutihan...

Ngunit walang naniwala, hindi rin naman kasi kapanipaniwala.

"Espiritu, buti at nakalaya ka na."

"Anong sunod, Sir?" Tanong ko sa sinaluduhan kong pulis.

"Wala. Mag hanap trabaho, makakain?"

Agad naman akong napangiti. Bitbit ang kulay brown kong suitcase na freebies sa kulungan. Nakapagpaalam na ako sa mga naging kaibigan ko na nag bagong buhay na, sana ay mag kita kita kami at malapit na rin ang paglaya nila. Siguro mga limang taon nalang rin.

Napatingin ako sa paglalakad ko, lahat ay may sukbit na bagong teknolohiya, cellphone. Touch screen. Dati ang naabutan ko palang ay ang Nokia na cellphone na nagmamakaawa pa ang mga pinsan kong kailangan na kailangan daw nito pero gusto lang naman ng text mate.

Noong panahon ay may naka-text rin akong kaklase ko bago ako nasabak sa ganitong gawain. Ang pag paslang sa mga taong gumagawa ng illegal na bagay, binabayadan ako kapalit ng buhay ng mga taong pinaghihigantihan nila. Bago ko naman iyon gawin ay inaalam ko muna ang totoong kwento saka ko huhusgahan kung karapa't dapat ba talaga ang kamatayan dito.

Pero nagkamali ako.

Mali na nilagay ko ang hustisya sa mga kamay ko.

Dahil hindi ibig sabihin na pinatay mo ang taong nag dulot ng pasakit saiyo ay namatay narin ang pasakit na naiwan nito. Dahil hindi. Patuloy ang galit, patuloy ang hinanakit, gaano ka man matuwa sa nangyayari sakanilang karma, hindi mawawala noon ang sugat sa puso mo.

Walang magandang dulot ang paghihiganti. Napagtanto ko ito ng minsang ako na ang gumawa nito. Nang minsang ako na ang nagalit, namatay man s'ya, hindi parin nawala ang galit sa puso ko.

Hanggang sa tinanggap ko nalang ng paunti unti. Na hindi perpekto ang tao, at walang makakasakit sa'yo ng walang permiso mo. Kung kaya't kusa na akong sumuko at sinumbong rin ang mga nagbayad sa'kin...

Ngayon ay matanda na ako. Sa edad na 75, hindi ko alam kung may tatanggap pa ba sa'kin.

Ano nga ba ang bagong laya sa mundong ito? Totoo bang malaya na ako?

"Lolo kasi, ano ba yan! Ako na nga lang gagawa!" bulyaw saakin ng manager ng restau matapos kong hindi maaninag ang baso sa pagsasalin ko ng lemonade mula sa pitcher.

"Pasensya na po." Sagot ko naman...

Sa dalawang linggo kong pag hahanap ng trabaho ay 'eto lang malaki laki ring karindirya ang tumanggap sa'kin. Paano ay dadalawa nalang sila at nalaman ko na kung bakit. Masama ugali ng manager. Sigaw dito, sigaw doon, mura dito, sumpa doon. Sinong gaganahan magtrabaho? Mabuti nalang at sanay na ako. Sa mga preso ba naman sa kulungan na asta sindikato dahil sindikato naman talaga. Wala lang ito sa'kin.

Pero nakakamangha lang. May mga tao parin kasi talagang ugaling preso kahit nasa labas ng rehas o kailanma'y hindi pa nakulong.

"Alam n'yo Lo, kung hindi lang ako naawa saiyo naku, walang tatanggap saiyo. Walang kasing bait ko ang tatanggap sa layang preso, tapos matanda pa! Pabigat pa! Ayusin mo naman trabaho mo Lo, naku. Wala ka bang pambili ng salamin??"

One Hundred FiftyWhere stories live. Discover now