Sa lagaslas ng mga dahon mula sa tangkay ng puno
Ako'y mag hihintay sa lilim nito
Ang iyong mga yapak may' hindi papunta saakin
Asahan mong ang aking mga kamay ay tutuon sa lugar na una tayong nag tagpo ng tingin
Panahon ay maaring hindi na magbalik
Mga tinatamasa mo'y kailan man ay hindi naging asik
Ngunit sa bawat kitap nitong bituin
Ikaw parin lagi ang hahangadin at tatamasain
Sabi nila'y kailangang hayaan ang tuyong dahon na mahulog
Upang mag bunga ang panibago, ngunit hindi sa aking irog
Ikaw ang dahon na kumawala sa ihip ng hangin, saakin ay rumulyo
At aking pupulutin, marahang iipitin sa pahina nitong libro
Asahan mong nandito lang ako sa tabi, dalisay
Saiyo, mag hihintay
YOU ARE READING
One Hundred Fifty
RandomFifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot stories, every single prekeng day to make it a hundred and fifty days of honing my skills and giving sparks to my interest. Here's the deal...