40 - Pack of Cigarettes

0 0 0
                                    

The smoke formed into the abyss, nililipad papunta sa tuktok ng mga matatayog na puno na nakapalibot lang saa'kin. The wind is splashing on my face making me feel how cool it is.

Maganda pala tumambay dito sa likod ng simbahan?

I squint my eyes as dirt suddenly flew into it. As I opened my eyes again, halos lumundag mula sa dibdib ko ang puso ko ng makitang may katabi na ako. Nakaputing lalaki, naka-salamin, brown cargo shirts, at simpleng tsinelas. Mukang nasa mid 40's na, at aba, tinawanan pa ko ni Manong.

"Hijo, kung magugulatin ka at naninigarilyo ka pa, maaga ka kukunin ni Lord, n'yan."

Na-iling ko nalang ang ulo ko habang humihithit pa sa upos ng sigarilyo at bahagyang lumayo sa tabi n'ya, just with enough distance for a stranger. Nakatago kasi sa likod nito ang dalawang kamay kaya mapapa overthink ka nalang.

"Ang tanong, si Lord kaya ang kukuha?" I managed to reply after a short asessment.

"Aba'y bakit naman hindi. Muka ka namang mabait."

"Wow, manong. Bihira lang po ang tumatawag ng mabait sa binatilyong naninigarilyo."

Ngumiti lang s'ya at katulad ko ay sumandal sa pader, kung saan haligi mismo ng hall na nasa likod ng simbahan. Kaya naman tagong tago talaga ako. Pakatapos n'ya sumandal ay saka n'ya inilabas ang kamay mula sa pagkakatago nito sa likod. In his hands was an electronic vape.

"Ay, smoker ka din pala kasi, manong."

"Dati, isang kahang menthol nauubos ko kada araw, minsan umaabot pa ng isa't may kalahati. Alam mo ba ilang pakete yun?"

"Malamang sobra pa sa isa. Ganyan na ganyan po ako ngayon."

He started sipping the vape, forming wondrous shapes, mostly are circles crossing each other making it look like a cloud of spiral just above her face level, sadly, vanishing quick into a thin air.

"Ang galing n'yo naman po, kailan pa po kayo natuto?"

"Siguro, simula 17 palang, anak at nag umpisa na ako ne'to. Nahuli pa ako sa school at muntikan ng di mabigyan ng good moral kung di ko lang pinuntirya ang prefect na naninigarilyo din naman kapag oras ng pag-klase. Mga matatanda talaga, pakiramdam ata nila nakakataas na sila na tipong madali nalang bali-baliin ang batas."

"Kaya nga din ako dito nag sisigarilyo, manong."

"Ba't ka biglang napa sigarilyo kasi kung saka kakatapos palang ng misa, anak?"

"Paano po yung pari na-stress ako sa mga pinag-se-sermon eh." I said. "Marami s'yang mga bagay na parang gusto saaking ipagawa, parang para sa'kin talaga yung homiliya manong, sabi ba naman mag bago na daw ako sa mga masasamang gawi, mag patawad ng kapwa, at mag mahal ng walang katumbas, huwaw. Pano ko naman yan magagawa eh hindi naman ako Diyos, lalo naman ang mga nakapaligid saaking tao."

"Yun nga ang misteryo at kagandahan ng pagmamahal, hijo."

"Hirap naman po pala mag mahal, sana 'di nalang ako dinala ni Lord."

"Mag umpisa ka muna anak sa isang bagay. Mas mainam, sa pagpapatawad ka muna."

"Pano ko naman po papatawadin yung nambugbog at nangaliwa sa nanay ko, ginawa pa kong bastardo."

"Umpisahan mo muna sa sarili mo." He held my gaze. The cigarette from my hands hang from the words he said, I just gazed at him upon some realization.

"Minsan, talaga naman anak. Sa isang kaha ka ng sigarilyo makakaramdam ng pag intindi at pahinga mula sa mga mapanghusgang mata ng nakakarami. Pero alam mo, mas maraming pagkakataon na ikaw ang nanghuhusga sa sarili mo kay'sa sa iba. Mas nanghuhusga ka pa kay'sa sa Diyos na may lalang, patas ba iyan?"

"Hindi naman maiwasan manong, ako ang mas nakakakilala sa sarili ko."

"At ikaw din ang may kakayanan upang baguhin ang kung ano man." He said and smile as he turn the vape off and put it on his pocket saka nag lakad sa dulo kung saan liliko nalang s'ya at mapapadpad na s'ya sa bintana ng parish hall.

"Dito na ako, hijo. Tandaan mo ang sinabi ko ah, iwasan mo na din ag paninigarilyo, ikinamatay ko yan."

"Po?"

Just in cue, someone called me.

"Uy pre, pinapauwi na lahat. Di na daw tuloy yung libreng nuecha buena ng Simbahan, inatake ba naman si Fr. Tony."

One Hundred FiftyWhere stories live. Discover now