Part 1

16 0 0
                                    

Nasa library ako ngayon. Naghahanap ako ng libro na pwede kong basahin dahil weekend ngayon.

Pumunta ako sa mga non-fiction section. May nakita akong title na nakakuha ng attention ko. Pinilit kong abutin ito kasi nasa pinakataas ito.

Nagulat ako nang biglang may kumuha ng libro na balak kong kuhanin. Lumingon ako kung sino ito.

"Ito ba, miss?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako at binigay niya sa akin iyong libro.

"If you need help, naandoon lang ako." Sabi niya sabay turo doon sa pinakadulo ng library. Tumango na lang ako at ngumiti.

May kinuha pa akong mga libro saka umupo malapit sa may entrance ng library. Mga isang oras mahigit din ang itinagal ko.

Mahilig ako magbasa ng libro dito sa library na ito at first time ko lang nakita iyong lalaki kanina.

Matangkad siya tapos nakasuot siya ng beige na pantalon at brown na jacket. May aircon kasi dito sa library.

Tiningnan ko siya kung saan siya sa nakaupo at focus na focus siya sa ginagawa niya. May tina-type siya sa laptop niya habang tumitingin doon sa libro.

Base sa nakita ko kanina, related sa science ang mga libro na hawak niya. Siguro may research sila ngayon.

By the way, college student pala ako. Dahil wala naman akong gagawin ngayon, tumambay ako dito sa library dahil malamig saka tahimik.

Bumalik ako sa pagbabasa pero hindi ako makapag-focus kasi napapatingin ako sa gawi ng lalaki. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Tumayo na ako para mag-out at sakto na tumayo rin iyong lalaki. Binalik ko iyong libro sa librarian at hiniram ang mga libro na hindi ko pa tapos basahin. May tatlong araw ako para ibalik ito.

Palabas na ako ng library nang may humawak sa braso ko.

"Teka." Sabi ng lalaki.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sa iyo ba ito? Nakalimutan mo kasi eh." Sabi niya sabay abot sa akin ng panyo ko. Kinuha ko naman ito sa kanya.

"Salamat." Sabi ko at ngumiti.

"Sige. See you when I see you." Sabi niya at nag-wave siya bago umalis.

Pumunta na ako sa cafe. Magkikita kasi kami ng kaibigan ko ngayon. Wala siyang pasok ngayong weekend kaya nag-meet up kami.

"Uy! Dito!" Sabi ni Colette. Pumunta naman ako sa kanya.

"Nag-order na ako. Favorite mong Strawberry Raspberry Cheesecake Cream Frappuccino." Sabi niya sabay abot sa akin ng drink.

"Thanks." Sabi ko. Inabot ko naman sa kanya ang doughnuts na binili ko kanina sa Dunkin'.

"Favorite natin na choco butternut!" Masayang sabi ko at binuksan ang paper bag. Tig-dalawa kami kasi matakaw kami.

Nagpasalamat naman siya at nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta ka naman?" Tanong sa akin ni Colette.

"Ayos lang. Wala pa masyadong pinapagawa na activities sa school kaya may oras pa ako para pumunta ng library." Sagot ko.

"Napunta ka pa rin doon? Ang hilig mo talaga magbasa ng libro!" Saad niya.

"Syempre. Libangan ko iyan eh. Saka masaya kayang mag-imagine!" Sabi ko.

"Sus! Anyway, may nahanap ako na part time job sa isang fast food restaurant. Gusto mong mag-apply?" Tanong ni Colette sa akin.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon