Part 26

1 0 0
                                    

Nang okay na kami ay nagsimula ulit kami mag-hiking.

Nang makarating kami sa tuktok ay napakaganda ng view. Tama lang ang sikat ng araw na tumatama sa balat namin.

Nilabas ko mula sa bag ang mga gamit na gagamitin namin. Nagdala rin ako ng pagkain like sandwich and such.

Inabot ko kay Dusk ang sandwich at kinuha niya ito.

"Salamat." Sabi niya.

"Ang ganda ng panahon ngayon ano?" Sabi ko at tumango siya.

"Oo. Bakit mo naisipan mag-hiking sa first day ng date natin?" Tanong niya sa akin.

"Well, first ay para ma-exercise tayo at second ay makalanghap ng simoy ng hangin." Sagot ko.

"Masaya ka naman na nag-hiking tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.

"Hindi ko lang ine-expect na ang unang gagawin natin ay hiking." Sabi niya.

"Sorry kung secret ang pinalano ko na trip para sa ating dalawa. Gusto ko kasi ma-surprise ka eh." Sabi ko.

"It's all right I understand." Sabi niya.

Mga forty minutes din kami nag-stay sa itaas at saka bumaba na ng forest.

Mas mabilis ang pag-alis ng forest kasi pababa na ito.

Tanghali na ng makarating kami sa exit ng forest. Gutom na gutom na ako pagkababa namin sa forest.

Sunod na pupuntahan naman namin ay restaurant.

Nag-commute kami papunta sa Forest House.

Nang makarating kami doon ay medyo marami ang tao. understandable naman dahil lunch time na.

In-assist kami ng staff ng table for two. Umupo na kami at binigay sa amin ang menu nila.

Nang maka-order na kami ay nagkwentuhan kami ni Dusk habang hinihintay na makarating ang orders namin.

Ang mga foods ng Forest House ay American at Filipino foods na vegetarian friendly at gluten free options.

Nang dumating na ang order namin ay nagsimula na kaming kumain.

Halos marami ang nakain naming dalawa ni Dusk. Paano ba naman eh ilang oras din kaming naglakad paakyat at pababa ng forest.

Nang matapos na kami ay nagbayad na kami. Nag-uunahan pa kami ni Dusk na pagbayad sa kinain namin but I insist na ako ang magbayad kasi ako naman ang nag-plano ng trip. Wala na siyang magawa noong tiningnan ko siya ng masama.

"Ate, ako na ang magbabayad." Sabi ko at kinuha na niya ang cash na binigay ko.

Nakalabas na kami ng restaurant.

"Sa dinner natin ako naman ang magbabayad ha." Sabi niya at tumango ako.

Nag-commute na kami sa next destination namin.

We arrived in Barangay Balili, La Trinidad, Benguet kung saan naandoon ang StoBoSa Hillside Homes Artwork.

We arrived in Barangay Balili, La Trinidad, Benguet kung saan naandoon ang StoBoSa Hillside Homes Artwork

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon