Part 12

3 0 0
                                    

Wednesday na ngayon at start na ng work ko mamaya. Nalaman ko kahapon kay Ate Daisey na approve ang mga binake ko na pastries sa mga pinsan niya.

Pagka-dismiss sa amin ng professor namin ay sinabi ko kay Colette na uuna na ako.

"Good luck bestie!" Sabi niya at umalis na ako.

Pagkarating ko sa coffee shop ay marami ang tao.

"Hello Celeste! Ready ka na ba para sa first day of work mo?" Tanong sa akin ng manager ng coffee shop.

"Yes po!" Sabi ko.

Medyo marami ang tao na nasa coffee shop ngayon.

"Nga pala, since ii-introduce muna natin ang mga binake mo sa customers natin, may 10% discount sila kapag bibilhin ang pastries. Hindi ito makakaapekto sa sweldo mo since mukhang makakarami tayo ng sales ngayon sa dami ng tao ngayon." Sabi ng manager. Tumango ako.

Kaya pala may black board sa labas ng coffee shop kung saan may 10% discount sa lahat ng pastries na ititinda ng coffee shop ngayon.

Pumunta na ako sa kitchen at sakto na naandoon si Ate Daisey at inaayos ang mga pastries na ilalagay as display sa labas.

"Oh naandito ka na pala." Saad niya.

"Oo ate. Sabi pala ng manager ay may 10% discount daw sa lahat ng pastries na ginawa ko?" Pagco-confirm ko sa kanya.

"Oo. Suggestion ni Dusk para makarami tayo ng sales sa first day ng pagbebenta ng pastries mo. Mukhang tama naman si Dusk at medyo marami ang dumayo sa coffee shop ngayon." Sabi ni Ate Daisey. Natuwa naman ako.

Tinawagan ko naman si Dusk via phone call.

"Thank you Dusk!" Sabi ko pagkasagot niya ng tawag.

"Bakit? Anong meron?" Nagtataka niyang tanong.

"Thank you kasi ikaw pala ang nag-suggest na magbigay ng discount sa mga pastries na ginawa natin." Saad ko.

"Ah iyon ba? Wala iyon! Gusto ko marami ang maka-appreciate ng ginawa mo." Sabi niya,

"Ginawa natin pareho iyon kaya thank you talaga!" Sabi ko.

After namin magkamustahan ay binaba na rin namin ang tawag.

Pumunta na ako sa changing room para magpalit ng uniform ko. Naglagay rin ako ng apron.

Pagkalabas ko ng room ay nakita ako ni Ate Daisey.

"Wow! Bagay sa iyo ang uniform." Sabi niya at tinali ang apron ko sa likod.

"Ayan ayos na." Sabi niya at humarap ako sa kanya.

"Thank you ate!" Sabi ko.

"Sa cashier ka muna nakatoka ngayon. Mag-bake ka na lang ulit kapag paubos na ang mga pastries natin." Sabi ni ate at tumango ako.

Lumabas na ako sa may counter at nakita ko na naggagawa si Hikaru ng dalawang coffee.

"Oh naandito ka na pala. " Bati ni Hikaru sa akin.

"Yup! Excited na ako!" Sabi ko at pumunta sa may cashier.

Wala pa namang na-order na customer sa isa pang cashier kaya tinuruan ako ng isang staff doon kung ano ang gagawin. Nang makuha ko na ay tinary ko ang tinuro niya.

"Ayan mukhang marunong ka na! Magtanong ka lang sa akin kung may hindi ka pa alam ha." Sabi ni Johann, ang nakatoka sa kabilang cashier. 

"Sige. Salamat!" Sabi ko.

May pumila na na mga customers sa line ko kaya kinuha ko ang mga orders nila. Sila mismo ang kukuha ng mga pastries. May hilera ng mga pastries sa isang mahabang table dito sa loob ng coffee shop at kukuha sila ng gusto nilang bilhin. Since naka-individual package naman na iyon ay madali lang nila makukuha ito.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon