Part 42

2 0 0
                                    

Nang matapos na kami kumain ay naglibot kami sa loob ng mall.

"Punta tayo sa bookstore?" Tanong ko sa kanilang dalawa at tumango sila.

"Ayan na naman po ang kinaadikan ni Celeste." Sabi ni Colette at natawa ako.

Halos lahat kasi ng libro na matipuhan ko ay binabasa ko ang nasa likod.

Nagtingin rin naman sila ng libro.

Nang mabili ko na ang nagustuhan kong mga libro ay binayaran ko na ito. May binili naman na anime magazine si Colette habang si Kayden ay may tatlong librong dala-dala.

Nang makalabas na kami sa bookstore ay pumunta kami sa amusement arcade at naglaro.

Naglaro kami ng shooting games, basketball, driving games and the likes. After namin mapagod ay nag-decide kami na pumasok sa isang room kung saan pwedeng kumanta.

Mostly ay kaming dalawa ni Colette ang nakanta habang si Kayden ay vine-vedeo-han kami. Since high school ay ito ang ginagawa namin after exams kaya nakakatuwa na nagagawa pa namin ito kahit na college students na kami.

Mga one hour din kaming kumanta kaya medyo paos ang boses namin ni Colette.

Bumili kami ng ice cream sa Dairy Queen. May limited edition na Blizzard Treats kaya ito ang in-order namin.

Ang akin ay Coffee Crisp, kay Kayden ay Chocolatey Mint samantalang ang kay Colettte ay Cotton Candy Blizzard. Na-curious naman ako sa kung ano ang lasa ng cotton candy kaya humingi ako kay Colette.

Akala ko sobrang tamis nito pero hindi naman pala. Masarap ang akin dahil mahilig ako sa coffee.

Umalis na rin kami after namin maubos ang ice cream.

"Okay lang na mag-stay muna kami sa coffee shop?" Tanong ni Kayden. Tumango ako.

"Bakit tayo pupunta sa coffee shop?" Tanong ni Colette kay Kayden.

"Basta." Sabi ni Kayden.

Nang makarating kami sa sa Coffee Bean Heaven ay sinabi ko na maupo sila sa table.

Nang makapalit na ako ng damit ay lumabas na ako. Nagulat naman ako kasi nasa labas ng room si Kayden.

"Bakit ka naandito?" Tanong ko kay Kayden.

"May surprise ako kay Colette." Sabi niya.

"Ah kaya naman pala." Sabi ko.

"Iyong tumawag sa akin kanina, hindi talaga ito iyong classmate ko. Ito iyong magdadala at mag-aayos ng decorations para dito sa coffee shop." Sabi niya.

"Paano maiaayos ang decorations na iyan dito?" Tanong ko.

"Sinabi ko na naman sa manager ninyo ito at okay naman daw. Iyon nga lang ay re-rentahan ko itong coffee shop for at least an hour para sa surprise ko kay Colette." Sabi niya at tumango ako.

"Ganito ang plano..." Sabi ni Kayden at sinabi niya ang plano sa akin.

Idi-distract ni Paisley si Colette. Lalabas sila at si Paisley na ang bahala para ma-entertain pansamantala si Colette.

Habang nasa labas sila ay aayusin namin ang decorations sa loob ng coffee shop.

Dumating na ang mga decorations nang makaalis sina Colette at Paisley. Lahat kami ay nagtulong-tulong sa pag-aayos.

May balloons, curtain foil at banderitas na decoration sa loob ng coffee shop nang matapos namin itong ayusin.

Naging maganda ang outcome nito. Puro brown, beige at white ang decorations at nag-match ito sa interior ng cafe.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon