Part 37

1 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi. 7:30 am na pala.

10 am pa naman ang first class ko. Pumasok na ako sa CR para mag-ayos.

Pagkalabas ko ng CR ay may paper bag na nakapatong sa higaan.

Tiningnan ko ito at may pang-alis na damit ito.

Siguro nilagay ito ni Dusk dito habang nasa CR ako.

Nagpalit na ako ng damit at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ng kitchen nila ay naandoon si Dusk. Nagluluto siya.

"Oh gising ka na pala. I'm cooking pancakes. You want some?" Tanong niya.

Napansin ko na nakasuot siya ng apron. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan siya ng picture nang humarap siya sa gawi ko.

"Pinicturan mo ba ako?" Tanong niya at tumango ako.

"I never knew I will see you wearing a cute apron." Sabi ko.

"Eto lang kasi ang mayroon dito eh. Kay ate pa nga ito." Sabi niya at umikot pa siya. Natawa ako.

"Sinuot mo pala iyong binili ko sa iyong damit. It looks good on you." Sabi niya.

"I like it." Sabi ko. Earth tones ang damit na binili niya para sa akin.

"Actually, I also have the same color and style of your outfit. Magpapalit ako mamaya after kong magluto para hindi madumihan." Sabi niya.

Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na pang-itaas.

Nang tatanggalin na niya ang apron niya ay tumingin lang ako sa pancake na niluto niya.

"Oh sorry. I didn't wear anything underneath the apron. I thought that you would see my upper body when I wore the apron." Sabi niya.

"Okay lang. Sige, magsuot ka na ng tshirt." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa pancakes.

"Just kidding! I'm wearing a sando uunderneath it! Let's eat?" Sabi niya at natawa na lang ako.


After ng breakfast ay lumabas na kami ng bahay nila.

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

"Sige." Sabi ko at pumasok kaming dalawa sa kotse niya.

Suot-suot niya ang kakulay at ka-style ng outfit ko ngayon. Para tuloy kaming naa-couple outfits.

Nang makarating kami sa university ko ay bumaba na ako ng kotse niya.

"Thank you sa paghatid saka sa scented candles." Sabi ko.

"No worries. Good luck sa studies mo!" Sabi niya.

"You too! Ingat sa byahe!" Sabi ko.

"Of course! See you later?" Tanong niya.

"Sige. Just message me." Sabi ko at umalis na siya.

Pumasok na ako ng room namin. Napansin naman ni Colette na iba ang outfit ko.

"Parang may iba sa iyo. Ikaw ba iyan Celeste?" Sabi niya at umikot pa siya para makita ng buo ang outfit ko.

"Nakasuot ka ng long sleeves na may white tank top sa loob?" Sabi niya at tumango ako.

"Nakasuot ka ng long sleeves na may white tank top sa loob?" Sabi niya at tumango ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon