Part 16

2 0 0
                                    

Kinabukasan ay sinundo kami ni Hikaru sa coffee shop. Dito namin sinabi na dito kami sunduin para diretso na papunta sa Boracay.

"May hinihintay pa ba tayo?" Tanong ko.

"Mayroon pa. Papunta na daw siya." Sagot ni Hikaru.

Dali-daling pumunta si Dusk papunta sa amin.

"Sorry na-late ako. May traffic." Sabi niya.

"Okay lang. Wala na ba tayong nakalimutan?" Tanong ni Hikaru.

"Wala na." Sagot ni Brielle.

"Sige. Let's go?" Tanong niya at sumakay na kaming lahat sa van.

Magkatabi sina Brielle, Paisley at Johann sa gitnang part ng van samantalang katabi ko naman si Dusk sa likod. Si Hikaru ang nagdri-drive ngayon. Walang nakaupo sa tabi niya kasi nagdala kami ng water jug kaya doon namin napasyang ilagay.

"Ready na kayo?" Tanong ni Hikaru.

"Yes!" Sabay-sabay naming sagot.

Nagkwentuhan iyong tatlo sa aming harapan samantalang kinausap ko naman si Dusk.

"Kasama ka pala?" Tanong ko sa kanya.

"Sinabi sa akin ni 'insan na magba-bakasyon daw kayo kaya sumama na ako. Buti na lang pumayag si boss na mag-bakasyon ako ng one week." Sabi niya. Tumango ako.

"One week tayo sa Boracay?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede naman tayo mag-stay ng matagal doon kasi may vacation house naman ang mama ni Hikaru doon kaya wala tayong pro-problemahin." Sabi niya.

After ng ilang oras ay tumigil muna kami sa isang place na may restroom.

"Mag-CR muna ang gustong mag-CR. Medyo malayo pa ang byahe natin. After lunch na tayo makakarating doon." Sabi ni Hikaru.

Nag-CR na kaming lahat tapos may malapit na fast food doon sa place na tinigilan namin kaya bumili na rin kami ng lunch.

"Bucket na lang ang i-order natin? Tutal marami naman tayo." Sabi ni Dusk. Tumango kaming lahat.

"May gusto pa ba kayong i-order?" Tanong ni Hikaru.

"Pwedeng mag-order tayo ng fries saka ice cream?" Tanong ko. Tumango naman si Hikaru.

"Sige. Maghintay na kayong tatlo doon sa van. Kami na lang nina 'insan ang Johann ang magdadala ng pagkain natin." Sabi ni Hikaru at nauna na kaming tatlo sa loob ng van.

Tumabi muna ako kayna Paisley ay Brielle pagkapasok.

"Kumusta ka naman habang katabi ni Dusk?" Tanong ni Paisley sa akin.

"Okay naman. Hindi ko ine-expect na kasama siya kasi akala ko ay tayo lang agkakatrabaho ang pupunta ng Boracay." Sabi ko.

"Expected ko na na sasama siya kasi kasama ka." Sabi ni Brielle. Tumango naman si Paisley bilang pagsangayon.

"Sayang lang. Hindi kasama iyong dalawang kaibigan ko. Magbo-bonding sana kami ngayon." Saad ko.

Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.

Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon