Part 39

1 0 0
                                    

Inabot na kami ng gabi. Maganda rin kapag nag-stay ng gabi dito dahil kita ang city lights mula rito.

 Maganda rin kapag nag-stay ng gabi dito dahil kita ang city lights mula rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(credits to the owner)

Inayos na namin ang gamit namin ni Eros.

"Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Tanong niya.

"Huwag na." Sabi ko.

"Dala ko ang kotse ko ngayon. Sige na, gabi na oh." Sabi niya.

"Sige na nga." Sabi niya at pumunta kami sa parking lot.

Nakasakay na kami ng kotse niya at umalis na doon sa cafe.

Dumaan muna kami sa fast food restaurant para kumain dinner.

"Anong gusto mo?" Tanong niya. Nasa drive thru kami ngayon.

"Chicken burger, fries, sprite at ice cream." Sabi ko.

Sinabi niya ang order ko sa staff.

Nagbayad na kami at umalis na sa fast food restaurant.

Lumabas kami ng kotse niya at kumain sa park.

Umupo kami sa bench at doon kinain ang dinner namin.

Pareho na burger ang in-order namin kaya hindi na namin kailangan ng table.

Nagkwentuhan kami habang nakain. Mostly lang pinag-usapan namin ay libro.

Nang matapos na kami kumain ay naglakad-lakad kami.

Malamig ang simoy ng hangin dito sa park. May mga tao pa naman dito pero kakaunti na lang.

Anong oras na kasi.

After twenty minutes ay pumunta na kami kung saan naka-park ang kotse ni Eros.


Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Salamat sa paghatid. Ingat ka." Sabi ko.

"Walang anuman. Good night." Sabi niya.

"Good night!" Sabi ko at pumasok na sa bahay.

"Good night!" Sabi ko at pumasok na sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon