Part 47

2 0 0
                                    

Naisipan na namin sumakay ng kalesa nang may makita kaming bakante na dumaan sa daanan.

Naisipan na namin sumakay ng kalesa nang may makita kaming bakante na dumaan sa daanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(credits to the owner)

Dalawang kalesa ang inarkila namin. Kami nina Elara, Karlie at ako ay sa isang kalesa samantalang sina kuya, Gray at Denim ay sa isa pang kalesa. Tatlo tao lang ang kasya sa likod kada isang kalesa.

"Kuya, kaya ba kami ng kabayo? Baka mapagod iyan." Sabi ni Karlie. Umiling naman ang driver.

"Sanay na ito sa mga lakarin kaya hindi ito mabilis mapagod." Sabi ni kuya at tumango kaming lahat.

Nagkwentuhan kami habang nasa kalesa. Kumuha rin kami ng pictures ng mga bahay na nakikita namin.

"So bakit ninyo naisipan mag-bakasyon dito?" Tanong ko sa kanila. Naalala ko na hindi ko ito natanong noong una kaming nagkita dahil ang napagkwentuhan namin noon ay Kdrama. Napansin kasi nila na nanonood ako ng Kdrama kaya doon nagsimula ang conversation namin.

"Dapat kaming magkakabarkada ang pupunta dito sa New Year kaso mga nag-back out kasi magce-celebrate daw sila ng bakasyon sa mga kamaganak nila kaya ayun kaming family na lang ang natuloy kasama si Karlie." Sabi ni Elara.

"Buti nga at nakasama ako sa Vigan kasi sinabi lang sa akin ni Ate Elara kung kailan three days before sila aalis. Ayaw pa nina mama na payagana ako noong una pero noong si ate ang nagpaalam ay pumayag sila." Sabi ni Elara. Sixteen years old pa lang kasi si Elara tapos si Elara naman ay only child kaya close na close silang dalawa ni Karlie.

"Ikaw, bakit ka nagbakasyon dito sa Vigan?" Tanong ni Elara.

"Birthday kasi ni mama kahapon at gusto niya daw pumunta ng Vigan kaya itinireat namin siya ni kuya dito. Mabuti nga at nakauwi si papa dito sa Pilipinas kasi sa abroad siya nagtratrabaho." Sabi ko.

"Ah sa abroad pala nagtratrabaho si tito. Saang bansa?" Tanong ni Elara.

"Sa Canada. Electrical Engineer siya doon." Sabi ko.

"Uy! Doon sa Canada din nagtratrabaho ang tita ko from father's side. Doon na nga sila nakatira sa Canada dahil maraming benefits doon kapag doon na silagn tumira ng family nila. Minsan naman ay nauwi ng Pilipinas pero madalang lang." Sabi ni Elera.

Tiningnan naman namin ang mga tao sa kabilang kalesa. Nasa likod sila ng kalesa na sinaksakyan namin. Magkakausap din silang tatlo ngayon. Close na rin silang lahat.

Nang malabot na namin for half an hour ang village by kalesa ay bumaba na kami dito. Nagkita-kita kami nina mama, papa at mga magulang nina Gray at Elara. Puro family ang kasabay namin sa trip.

"Next destination po natin ay National Museum of the Philippines." Sabi ng tour guide at sumakay na kami ng van.

Nakarating na kami museum.

Nakarating na kami museum

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon