Part 41

2 0 0
                                    

"Matanong ko lang, may napapansin ka ba kay Paisley?" Tanong ko.

"Meron. Napapansin ko na lagi niya akong kinakausap sa tuwing naandoon ako sa coffee shop ninyo." Sabi niya.

"Ano pa?" Tanong ko.

"Nararamdaman ko na may gusto siya sa akin." Sabi ni Eros.

Hanga ako dito kay Eros. Akala ko manhid siya eh.

"How about you? Do you have feelings for her?" Tanong ko.

"Hmmm... I can't tell but I like her as a friend." Sabi ni Eros.

Nako mukhang na-friendzone ang kaibigan ko.

"She's cute, talkative and pretty but kakakilala lang namin kaya hindi ko masabi." Sabi niya. Napatango ako.

"Sabagay, ilang beses pa lang naman kayo nagkikita." Sabi ko.

"Anyway, malapit na tayong bumaba ng train. Let's go?" Sabi ni Eros at tumayo na kami saka pumunta sa pintuan.

Nang makarating na kami sa amin ay pinapasok ko muna siya sa bahay.

Bibigyan ko siya ng pastries dahil sa pagpapahiram niya ng libro niya sa akin.

"You don't have to." Sabi ni Eros nang ibigay ko sa kanya ang isang box.

"Ano ka ba! Para sa iyo talaga iyan. Salamat sa mga libro!" Sabi ko.

"Walang anuman. Nga pala, natapos ko na iyong dalawang libro na hiniram ko sa iyo. Ibabalik ko na ito ngayon." Sabi niya at nilabas ito mula sa kanyang bag.

"Sige. Ilagay mo na lang dyan sa lamesa." Sabi ko.

Nakuha kasi ako ng inumin para kay Eros.

"Anong gusto mong inumin? Coffee, tea or ano?" Tanong ko sa kanya.

"Cold water na lang." Sabi niya.

Lumabas si mama mula sa kwarto.

"Nakauwi ka na pala." Sabi ni mama.

Napansin naman ni mama na may tao sa sala.

Binati siya ni Eros. Nginitian siya ni mama.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama.

"Opo ma. Kayo po?" Tanong ko.

"Oo kumain na ako. Siya sige maiwan ko na kayo dyan." Sabi ni mama at umakyat papunta sa kwarto niya.

"Celeste aalis na ako. Kitakits na lang bukas." Sabi ni Eros.

"Sige. Ingat ka." Sabi ko at umalis na siya.

Pumunta naman ako sa kwarto ni mama.

Pumasok ako sa kwarto niya.

"Sino nga pala iyong kasama mo kanina?" Tanong ni mama.

"Ah kaklase ko siya ma. Kaka-transfer lang niya this semester." Sabi ko.

"Ganoon ba? Bakit pa siya nag-transfer eh second year na siya." Sabi ni mama.

"Nag-move out of town kasi sila saka nag-apply din siya ng scholarship." Sabi ko. Tumango si mama.

"Bakit ka pala pumunta dito?" Tanong ni mama.

"Bawal ko ba ma-miss ang mama ko? Hindi na tayo nakakapag-bonding kasama si kuya." Sabi ko at niyakap si mama.

"Paano ba naman. Sa dorm natutulog ang kuya mo tapos ikaw may part time job." Sabi niya.

"'Di bale next time, magbabakasyon po tayo. Saan ninyo gusto sa birthday ninyo?" Tanong ko.

"Gusto ko sa Vigan kasi maraming maganda na makikita doon." Sabi ni mama.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon