Part 2

6 0 0
                                    

Weekend has passed at Lunes na ngayon. May pasok kami at 9 am ang first class namin. 

Classmates kami ni Colette sa first subject at last subject. Ewan ko ba kung bakit hindi kami magkaklase sa lahat ng subjects eh pareho naman kaming regular.

Dumating na ako sa room 15 minutes before mag-time. Wala pa ang professor namin. Dumating na rin si Colette bago dumating ang aming professor.

"Buti na lang hindi ka late!" Saad ko pagkarating ni Colette.

"Traffic kasi paalis sa amin. Saka medyo inaantok pa ako kasi kagabi ko lang naalala na may quiz kami sa isang major subject mamaya." Sabi niya sabay labas ng libro para mag-aral. Napailing na lang ako at nakinig sa professor namin.

In fairness mabait si Sir! Maunti lang ang requirements sa kanya but more on groupings. Mabuti na lang at magkasama kami ni Colette sa groupings. 

"Okay go to your groups para mapag-usapan ninyo ang gagawin ninyo. I will dismiss you early pagkatapos makapagpasa lahat ng pangalan per group." Sabi ng teacher namin.

Pinasa na namin ang aming papel at nag-dismiss na si sir.

"Una na ako Celeste! May quiz pa kasi ako." Sabi ni Colette at dali-daling tumakbo papunta sa next room niya.

May vacant ako ng 2 hours bago ang next subject ko. Hindi pa pala kasama dyan ang lunch time kaya nauwi muna ako pero ngayon parang ayokong umuwi kaya dumiretso ako doon sa library. Walking distance lang naman ito kaya mabilis ako makakapunta doon.

Habang naglalakad ako papuntang library, napatingin ako sa katabi ng university namin. Baka makita ko si Dusk dito pero wala kaya dumiretso na lang ako papunta ng library.

Pumasok na ako sa library. Kilala na ako ng librarian dito kaya kahit humiram ako ng limang libro ay okay lang.

"Oh, hija! Naandito ka na naman. Wala ka bang pasok?" Tanong sa akin ng librarian.

"Vacant po namin ngayon eh. Ito na po pala iyong libro na hiniram ko noong isang araw." Sabi ko sabay patong ng libro sa table.

"Sige ilagay mo lang dyan." Saad ng librarian at nag-type sa desktop niya.

Tumango naman ako at pumasok na sa library. Maunti ang tao ngayon kasi pasukan na. 

Uupo sana ako sa malapit sa entrance pero may namukhaan ako.

"Kayden?" Tawag ko kay Kayden at tumingin siya sa akin.

"Naandito ka pala. Wala kang pasok?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi niya.

"Vacant namin ngayon eh. Kailangan daw i-revise and research design ng thesis ko kaya naandito ako." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Bakit hindi sa university library natin ikaw mag-research? Mas marami doon na libro na related sa research na ginagawa mo." Sabi ko.

"Mas gusto ko dito. Mas tahimik saka wala masyadong tao. Iyong iba kasing mga estudyante doon mga nagpapalamig lang." Saad niya at natawa ako. 

Tumayo ako at kumuha ng libro. Naghanap ako ng libro na related doon sa pinapagawa sa isa naming major subject. Baka may maidagdag ako na suggestion na gagawin para sa group namin.

Umupo ako sa harap ng upuan ni Kayden at nagsimula ng magbasa. Nagta-type namin si Kayden sa laptop niya at tutok na tutok sa ginagawa niya.

Nang matapos na ako magbasa, naisipan kong picturan si Kayden. Hindi pa rin siya tapos kaka-type sa laptop niya. 

Hindi niya namalayan na pinipicturan ko na siya. Namalayan lang niya ng bigla kong in-on ang flash para malaman niya. Tinakpan tuloy niya ang mukha niya.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon