Part 6

1 0 0
                                    

Hapon na kaya naisipan namin mag-snack sa Potato Corner.

Habang nakain kami, share sina Colette at Kayden sa bucket of fries habang kami naman ni Dusk ay share sa isang bucket of fries.

Napasyahan namin na hatiin para kalahati lang ang babayaran ng bawat isa.

Hindi tuloy maiwasan na magdikit ang kamay namin dalawa ni Dusk sa tuwing kukuha ng fries.

Nang malapit na maubos ang fries, naghihintay pa kami ni Dusk kung sino ang uubos nito.

"Ubusin mo na. Busog na ako." Sabi ni Dusk sabay abot sa akin ng fries. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat

After namin kumain ay dumaan muna kami sa coffee shop dito sa mall para bumili ng drinks. Wala kasing drinks doon sa Potato Corner.

"Coffee or non-coffee?" Tanong ni Dusk.

"Frappe na lang para walang caffeine." Sabi ko at sinabi ang flavor. Nag-order rin pala ako ng one slice of cake.

Nang maalala ko na itre-treat ko si Dusk ay sinabi ko sa kanya na ako na ang magbabayad pero naunahan niya ako.

"Treat mo ulit? Grabe naman iyan dalawa na ang treat ko sa iyo." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Para dalawang beses ulit tayo may rason na magsama." Sabi niya at kinilig naman ako.

Habang nakain kami, nag-usap lang kami ng kung ano-ano.

"Bakit nga pala kayo nasa sinehan magkakaibigan? Wala ba kayong pasok?" Tanong ko kay Dusk.

"Ah. Kakatapos lang ng midterms namin kaya nagyayaan kami manood ng movie magtrotropa." Paliwanag niya. Tumango ako.

"Bakit ka nga pala humiwalay sa kanila? Para makasama si Celeste ano?" Pang-uusisa naman ni Colette.

"Ano ka ba!" Sabi ko kay Colette sabay hampas sa braso niya. Natawa naman si Dusk.

"Actually oo." Diretsahang sagot ni Dusk. Kinilig naman itong bruha na ito.

"Eh bakit hindi mo ligawan? Malay mo hinihintay ka lang ni Celeste." Tanong ni Colette.

"I like to take it slow. Kakakilala lang namin kaya friends muna." Sabi niya.

"As of now." Dugtong niya. Namula naman ang mukha ko. Mas lalo namang kinilig si Colette.

"Cool! Tama nga iyan magkakilala muna kayo. Mga twenty dates pa!" Sabi ni Colette.

May tumawag sa phone ni Kayden kaya lumabas muna siya saglit. Nang makalabas si Kayden ay may tinanong si Colette kay Dusk.

"Usapang lalaking nanliligaw. Bakit may mga lalaking kahit ilang buwan na nanliligaw ay hindi tinanong kung gusto na niyang maging girlfriend iyong nililigawan niya?" Tanong ni Colette kay Dusk.

Napaisip naman si Dusk. "Hmmm... siguro hindi pa siya handa? O kaya naghahanap pa ng tyempo. Kasi kaming mga lalaki, kapag seryoso kami sa gusto namin ay pinag-iisipan naming mabuti ang next move. Lalong lalo na ang timing." Sagot ni Dusk. Tumango naman si Colette at medyo namula ang mukha.

"Akala ko ba?" Tanong ko kay Colette. Tumingin naman si Dusk sa amin ng may pagtataka.

"Oo nga pero kung gusto naman namin ang isa't isa, ba't pa patatagalin pa?" Sabi ni Colette. Mukhang naintindihan na ni Dusk ang pinag-uusapan namin.

"Well, desisyon mo naman iyan. Pero timing-an mo ha." Kumento ko na labg. Tumango si Colette.

Nang makarating si Kayden sa amin, kinuha niya abg gamit niya.

Once Upon A BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon